Isang araw ang lumipas ay hindi pa rin siya linalapitan ni Lawrence. Halos hindi siya makatulog kagabi sa kaiisip sa binata at sa pagpayag niya sa gusto nito kapalit ng bahay at ng klinika niya. Hindi siya makalabas ng kwarto niya, kagabi pa niya inaantay na katukin siya ng binata sa kwarto niya pero wala siyang naantay. Excited lang Samantha? Baka naman hindi ka lang niya talaga type. Diba nga hindi siya nagagandahan sayo?
Tok.Tok. Tok.
Nagulat siya sa katok sa pinto niya. OMG! Ito na ba iyon?
"Sino yan?" ano ba namang tanong iyon. Syempre si Lawrence ang nasa likod ng pinto niya. Dalawa lang naman sila sa bahay na iyon.
"Bumangon ka na diyan. We need to talk." si Lance. Narinig niya ang paglayo nito sa labas ng kwarto niya. Nagmadali naman siyang ayusin ang sarili niya at agad na lumabas. Nadatnan niyang nakaupo ang lalake sa sofa sa sala habang nagkakape.
"Coffee." alok nito sa kaniya.
"Kumain ka na?" bigla niyang natanong.
"Hindi pa. Kagigising lang kasi ng taga-luto ko." sabi nito sabay higop ng kape. Siya ba ang tinutukoy nito? Mag asawa ba kami para lutuan ko siya? Naku, kung wala lang akong kailangan sa iyo, nunka na lutuan kita.
"Let's talk first, bago ako magluto." sabi niya sabay upo sa harap nito.
"Okay." tiningnan siya nito. "Let's clear up things. Iyong magiging agreement natin."
"Sinabi ko na sa iyo diba? Pumapayag na ako sa gusto mo. Just make sure na ibabalik mo sa akin ang bahay ko at clinic ko." sabi niya dito.
"Bakit ka pumayag?" mariing tanong niya.
"Dahil gusto ko." gusto niyang isagot. Pero syempre hindi, ano nalang sasabihin sa kaniya ni Lawrence. Baka sabihin pa nito na may gusto siya dito. Bakit? Wala nga ba?
"Hindi mo na kailangang malaman. Basta ang importante pumayag na ako." sabi lang niya.
"Okay then." humigop ito ng kape. "Be my woman, sa loob ng tatlong buwan at babalik sa iyo ang bahay at klinika mo kasama ang mga papel nito na nakapangan na sa iyo."
"What?!" sigaw niya. halos umusok ang ilong niya sa narinig."Tatlong buwan?" ulit niya sa sinabi nito.
"Yes babe at hindi mo kailangang sumigaw sa excitement." seryosong sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/75319914-288-k103863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
Roman d'amourSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise