MM 2

25.4K 515 3
                                    

Tumakas si Patricia na ang tanging nadala lang niya ay ang shoulder bag niya at ang isang napaka importanteng bagay lang ang laman nun, kasama ang mga cards niya. Nagsinungaling siya sa mga magulang niya. Sinabi niyang pumapayag na siya sa kagusguhan ng mga ito. Pero kailangan muna niyang bumisita kay Kat ang bestfriend niya. Kauuwi lang din kasi ng dalaga galing sa ibang bansa. Nabalitaan niyang kasama nito ang anak niya. Yes. May anak na si Kat pero hindi niya alam kung sino ang ama. Hindi pa nag-oopen ang kaibigan niya, simula ng magtransfer siya sa ibang bansa. Hindi na rin kasi siya bumalik simula noon sa Pilipinas. Ang huling balita nalang din niya sa kaibigan ay nangibang bansa narin ito.

Si Kat ang nirason niya kaya ang dala lang niya ay ang maliit niyang shoulder bag. Pero walang problema, dahil madami naman siyang atm card na dala.

Hindi siya nagpunta sa kaibigan. Hindi rin niya alam kung saan siya pupunta basta ang gusto lang niya ay makalayo sa mga magulang niya. Pitong oras na siyang nagdra-drive. Hindi na niya alam kung nasaan siya, Medyo wala ng mga bahay ang nadadaanan niya. Nasa bandang Isabela na siya.

"Oh! Nagugutom na ako." lumilinga linga siya para maghanap ng makakainan. Wala na siyang nakikitang bukas na restaurant. Pasado alas onse na kasi ng gabi. May namataan siyang isang restobar. May mga nag iinuman sa labas nito. Nagdadalawang isip siyang pumasok pero hindi na talaga kaya ng tiyan niya. Gutom na gutom na siya. Pagpasok niya, ingay ang sumalubong sa kaniya. Ang daming nag iinumang mga lalake na may mga katable na mga babae. Restobar ba ito o Club? Nagkibit balikat nalang siya at naghanap ng upuan. May lumapit naman agad na waiter at kinuha ang order niya.

Kumakain na siya ng may lalakeng lumapit sa kaniya. Isang lasing at pangit na lalake.

"Hi missh byutipul!" sabay bagsak ng kamay nito sa lamesa. Tiningnan niya lang ito at itinuloy niya ang pagkain. "Shuplada mo naman, missh! Gushto lang kitang i-table." pangungulit nito sa kaniya.

"Sorry. Im not interested." sabi lang niya at itinuloy ang pagkain. Loko! anong akala mo sa akin cheap? My Gad! Kung hindinlang ako gutom, nunka na kakain ako sa ganitong klaseng kainan!

"Shigi na missh. Pashasayahin kita." sabi ulit nito at lumpit sa kaniya. Hinawakan siya nito sa braso. Bigla siyang kinilabutan. Yuck!

"Leave me alone!" medyo napalakas ang boses niya sa inis. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito sa kaniya. "Bitiwan mo nga ako! Hindi ako mumurahing babae. At kahit siguro isa man ako sa kanila hinding hindi ako papatol sa kagaya mong pangit!" sabi niya at malakas na iwinaksi ang braso.Pero lang humigpit ang pagkakahawak ng lasing sa kaniya.

"Anong sabi mo!" nagdadarang ang mg mata nito sa kaniya. Biglang parang nawala ang kalasingan nito. Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Pwes! Itong pangit na ito ang magpaparusa sa iyo!" itinaas nito ang isang kamay nito. Alam niyang sasampalin siya nito. Dahil sa takot ay napapikit nalang siya. Nagsisi siyang sumagot sagot pa siya dito.

"Subukan mong padapuhin iyang palad mo sa kaniya at hindi mo na iyan maigagalaw pa kahit kailan." sabi ng isang baritonong boses. Isang boses na pamilyar na pamilyar sa kaniya kahig apat nataon na ang nakakaraan. Lance? Nagmulat siya ng mata.

"Sino ka naman?" bigla siyang binitawan ng lasing at hinarap ang bagong dating.

Siya nama'y di makapaniwala sa nakikita. Parang naging slow motion lahat. Iyong kaba sa dibdib niya ay lalong lumakas. Naging abnormal ang tibok ng puso niya. Lance? Apat na taon. Napakagwapo niya lalo. Tumangkad pa siya at lumaki ang katawan. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng tumingin ito sa kaniya. Nagkasalubong ang mga mata nila.

That familiar feeling.

Akala niya naka move-on na siya sa damdaming iyon? Bakit ngayo'y parang bumabalik lahat iyon.

"Tinatanong kita kung sino kang pakialamero!" sigaw ng lasing. Istorbo naman ito. Ang ganda na ng titigan nila e.Gusto niyang hampasin ito ng bag niya sa pagkainis.

"Asawa niya ako." sabi ni Lance.Omg! tama ba ang narinig niya? Parang ginawa niya iyon dati a. Lalapitan siya ng lasing ng may isang lalakeng lumapit dito at binulungan ito. Nakita niyang parang biglang nawalan ng kulay ang mukha ng lasing. Takot ang nakita niya sa mga mata nito.

"Kung gusto mong makalabas pa ng buhay dito umalis ka na sa harap ko!" babala ni Lance sa lalake. Agad naman tumalima ito at mbilis pa sa ipo-ipo ang paglabas nito sa loob ng restobar.

Mabilis siyang nilapitan ni Lance at mahigpit na hinawakan sa braso. Kinaladkad siya nito palabas doon.

"What are you doing?" pilit niyang inaalis ang pagkakahaaak nito sa kaniya. Pero mahigpit ito.Saka lang siya binitawan ng nakarating na sila sa kotse niya.

"Get in!'' utos nito.

"Bakit ba? Nakita mong kumakain ako, tapos kakaladkarin mo ako palabas?" hasik niya.

"Kumakain?" nakakunot ang noo nito."Kung wala ako doon sa loob baka ngayon ay iyong lalakeng lasing na ang kumaladkad sa iyo palabas! At sisiguraduhin kung hindi mo gustong isipin ang gagawin niya sa iyo!" may galit sa tono nito.

"So, thank you for doing that Mr. Saavedra! Thank you for saving my life!" May pagkasarcastic sa boses niya. Naningkit ang mga mata ng binata.

"Papasok ka ba o gusto mong ibigay kita sa lalake kanina?" pagbabanta nito sa kaniya. "I said, get in! At bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Huwag kang mang-akit dito. Huwag mong sirain ang buhay nila rito!"

"What?" sa una hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Mang-aakit? Sisirain? Biglang tumaas ang dugo niya."Bastard! You haven't change at all ! Ikaw pa rin ang pinakamasamang lalakeng nakilala ko!" Anong tingin niya sa akin? Mang-aakit ng kung sino-sino? Sa kaniya lang naman niya ginawa iyon a. At never niyang gagawin sa iba ang ganung bagay.

"Why Patricia? You want me to change?" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Hinawakan ulit siya nito sa braso. At hindi niya napaghandaan ang sumunod nitong ginawa. He kissed her. Magaan at tumagal ng ilang segundo bago siya nito binitawan. "I've changed. Pero hindi ang mga halik ko." nakatulala pa rin siya.

Tug! Tug! Tug!

Sasabog na ang puso niya.

"Huwag mong antaying mag-umaga bago ka pumasok sa sasakyan mo." sabi sa kaniya ni Lance. Tatalikod na sana ito ng bigla siyang nahimasmasan.

"Lance!" tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kaniya. "Wala kasi akong pupuntahan." deretsahan niyang sinabi rito. Nakita niyang napakunot ng noo ang binata.

"What? At ano bang ginagawa mo dito?" Madilim ang titig nito sa kaniya.

"Kasi ito lang kabisado kung daan." Napangiwi siya. Ngayon lang din kadi niya narealize na ang tinahak niyang daan ay papunta sa bayan nina Lance.

"Witch! problema talaga ang dinadala mo sa akin." sabi nito sa kaniya. "Get in. I'll drive." sabi nito at pumasok ito sa kotse niya. Hindi na siy nagtanong kung saan siya dadalhin ni Lance.

Katulad ng dati... sasama siya kahit saan..

______________________________________

Follow and Vote po.Thank you :)

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon