Dear Textmate

25K 555 11
                                    

Nakahiga na si Patricia ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ito. Nagtext si Lance. Binasa niya ito.

Lancetoot: Babe, Just got home.

Napangiti siya. Hindi niya ito nireplyan. Nang tumunog ulit ang phone niya.

Lancetoot: Babe, still awake?

Me: Yes.

Lancetoot: I miss you babe.

Wala na bang ibang sasabihin ang lokong ito kundi ang mga katagang iyon? Kailan kaya niya sasabihin na mahal siya nito?

Me: Kanina lang tayo magkasama a. Wala pang 30 min. tayo naghiwalay.

Lancetoot: Kahit na. I'm alone here. Sana kasama kita.

Me: Kumuha ka ng katulong. Para may kasama ka.

Lancetoot: I want my wife. Hindi katulong.

Me: Oh.oh.

Lancetoot: :'( Para na akong patay.

Gusto niyang matawa. She can't imagine Lance, na nakakatext niya ng ganoon. Feeling niya, para silang teenager. Maganda rin pala minsan ang magpakipot. Akala niya hindi na niya maranasan ang mga ganitong bagay. Kung kailan mag-asawa na sila saka nila ginagawa ang mga ganitong bagay.

Me: Y?

Lancetoot: Kasi iniwan na ako ng buhay ko.

Gusto niyang magtatalon talon. Kinikilig kasi siya.

Me: Corny.

Lancetoot: Aminin mo. Kinilig ka.

Bruho! May gana pang mang-asar.

Me: Iiiiw.

Lancetoot: Babe, sana kape ka nalang.

Me: Why?

Lancetoot: para KAPEling ko lagi.

Me: Oh.

Lancetoot: Gusto ko din ang kape ko parang ikaw.

Me: At bakit?

Lancetoot: Too HOT like you.

Aba! Sumesegway ang loko.

Me: Too Hot and Bitter just for you.

Lancetoot: Huwag naman babe. Dapat Hot lang. :)

Me: Aba. Pansin ko kanina mo pa akong ginagawang kape a.

Lancetoot: haha. Babe, kape tayo bukas.

Me: Tse! Magkape kang mag-isa mo!

Lancetoot: Gusto ko lang naman na maKAPEling ka bukas.

Me: Stop it! Baka mamatay na ako sa kakornihan mo.

Gosh! Nasaniban ba si Lance?

Lancetoot: Pero seryoso babe. Diyan ako magbreakfast bukas.

Me: Bakit? Wala ka na bang pambili ng pagkain mo at makikikain ka na dito?

Lancetoot: Babe naman. Kahit kape nalang.

Me: Tigilan mo nga yang kakape diyan. Im pissed off!

Lancetoot: Sungit.

Me:Goodnight na.

Lancetoot: Text muna tayo babe. Maaga pa.

Me: Wala ka bang trabaho bukas at may oras ka magpuyat?

Lancetoot: Sana noon pa natin ginawa ito babe. Masaya pala.

Kung hindi ka naman kasi pakipot dati. Gusto sana niyang ireply iyon. Yes. Sana kinulit din niya ito noon sa text. Sabagay student ID # nga niya, di niya nakuha. Cellphone number pa kaya nito noon.

Me: Really? Sige magtexan nalang tayo lagi. Kahit huwag na tayong magkita.

Lancetoot: Babe naman. :(

Me:Itulog mo na nga iyan. Nyt.

Kinse minutos na nakakaraan pero dipa ito nagrereply. Nakakainis talaga siya! Ibinababa na niya ang cellphone niya sa side table ng bigla itong tumunog. Tumatawag si Lance. Sinagot naman niya ito agad.

"Babe.Tulog ka na?" sa kabilang linya.

"Oo, tulog na ako habang sinasagot ang tawag mo." pang aasar niya.

"Babe, tumawag sina Mommy." sabi ni Lance.

"Bakit daw?" Hindi pa niya nami-meet ang mga magulang ng binata. Kinasal na sila pero hindi parin niya ito nakikilala. Pictures lang.

"Pinapauwi tayo sa bahay, kauuwi kasi nila galing ibang bansa. Gusto daw nilang mameet ang daughter in law nila." saad nito. Bigla siyang kinabahan.

"Kailan daw?"

"Bukas daw. Kailangan na nating lumuwas agad." sabi nito.

"Bakit kailangang agad agad kami magmi-meet?" hindi na siya mapakali.

"My God Trish, dalawang taon na tayong kasal. Noon mo pa dapat sila nakilala." sabi nito sa kabilang linya.

"So kasalanan ko ngayon na di kami nag'meet ng parents mo bago mo ako pinakasalan?" nainis siya bigla dito. Hindi nito alam ang nararamdaman niyang kaba sa mga oras na iyon.

"Oh, hindi iyon ang ibig kong sabihin babe. Sorry." atleast marunong nang mag sorry ang damuho.

"Baka hindi nila ako magustuhan, Lance." di niya napigilang sabihin sa binata. Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya.

"Babe na-"

"Pinagtatawanan mo ako? Pwes! Pumunta kang mag-isa mo!" at binababa na niya agad ang phone.

Ang bruho! May gana pa itong pagtawanan siya. Pero, ano na? Ano ang isusuot niya? Dapat maging presentable siya sa mga mata ng magulang ni Lance. Gosh! Problema talaga ang laging binibigay ng lalakeng iyon! Hindi siya tuloy makatulog.

Tumunog ang phone niya. May text si Lance.

Lancetoot: Babe, relax ka lang ha. Huwag ka kasing masyadong magkakape, tuloy ninenerbiyos ka na. Mag beauty rest ka na babe, ayaw pa naman ni Mommy ng pangit na manugang.

Talagang ini-inis siya ni Lance. Napasabunot siya ng buhok. Nakakainis kang lalake ka! Agad siyang nagreply.

Me: Bastard!

Lancetoot: This bastard is your husband babe. Don't you ever forget that.

Me: Yes! My despicable husband!

Lancetoot: Yes. So despicably loving you babe.

Natameme siya. Omg! Loving me daw?

Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!! Nagsisigaw siya sa sobrang kilig niya. Para siyang high schooler na nagtapat sa kaniya iyong crush niya sa text. So this is it!

Sa sobrang kilig niya, nakalimutan na niyang nagreply kay Lance. Pati ang kabang nararamdaman niya kanina, nawala na.

Bago siya natulog. Prinint screen niya ang huling text ni Lance sa kaniya. Remembrance niya sa textmate niya na asawa niya.

______________________________________

Thank you :)

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon