Nagising si Samantha dahil sa silaw ng liwanag. Ouch! Bigla niyang naramdaman ang sakit ng katawan niya, lalo na sa kaniyang pagkababae. Bigla siyang napamulat ng maalala ang nangyari sa kanila ni Lawrence kagabi. Nagulat pa siya ng marealize na wala na siya sa sahig, kundi nasa kwarto na siya. Kwarto ni Lawrence? Tiningnan niya ang sarili niya. Walan pa rin siyang saplog pero nabalutan naman siya ng kumot. Siguro binuhat siya ng binata. Nasaan na kaya ito? Bigla siyang nalungkot. Siguro disappointed ito dahil hindi siya birhen.Kaya siya iniwan agad. Napaluha nanaman siya. Bumangon siya nang may mapansin sa side table,isa iyong note at galing kay Lawrence.
Babe,
I'm sorry kung kailangan kung umalis agad at hindi man lang kita nabigyan ng goodmorning kiss. May problema kasi sa trabaho.
I promise, babawi ako pag-uwi ko.
Mag-lock ka mabuti. Keep safe babe. Let's talk, pag-uwi ko.
I miss you.
Lance
Napansin niya ang ginamit nitong pangalan. Lance. Katulad nung pangalan sa mga panaginip niya. Inisip niyang coincidence lang iyon. Ang mas pinagtuunan niya ng pansin
ay ang nilalaman nung sulat. Napangiti siya. Nakaramdam siya ng munting pag-asa sa puso niya.Sa pagbabalik ni Lawrence, ay magtatapat na siya ng pag-ibig niya dito. Kahit hindi man tanggapin ng lalake, atleast nasabi niya at wala siyang pagsisihan.*****
Isang linggo na niyang hinihintay si Lawrence pero hindi pa rin ito nagbabalik. Namimiss na niya ito ng sobra. Halos hindi na siya makatulog sa gabi sa pag-aantay sa binata. Siguro masyadong malaki ang kinakaharap nitong problema kaya natagalan ito ng ganun. Inabala nalang niya ang sarili niya sa klinika niya. Hindi naman ganoon kalaki ang naging pinsala nito. May mga ibang parte lang ang nabaklas, kaya kailangan naring ma renovate ito. Nasa klinika siya ngayon. Namiss din niya ang kaniyang trabaho. Gusto niyang magtrabaho lang para hindi niya masyadong maisip si Lawrence.
Hapon na ng nakaramdam siya ng gutom at pagod. Medyo madami kasi ang naging kliyente niya kasi ngayon lang siya ulit nag-open.
Papasok na siya sa bahay ng mapansin ang nakaparadang sasakyan ni Lawrence sa garahe. Sumikdo ang puso niya. Dumating na pala ito. Mabilis ang lakad niyang pumasok sa kabahayan at agaf na hinanap ito. Napansin niyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya. Kakatokin na sana niya ito ng maulingan niya itong nagsalita.
"No!" narinig niyang bulyaw ni Lawrence. Wala naman siyang narinig na sumagot sa kaniya. Siguro may kausap ito sa cellphone. Lalayo na sana siya sa may pinto. Magluluto muna siya. Baka gutom na rin ang binata. Pero narinig ulit niya itong nagsalita. At hindi niya inaasahan ito.
"I can't marry Samantha. Alam mong may asawa na ako!" napalakas ang boses nito na ikinatigil niya. "Alam mong hindi mangyayari ang gusto mo. Kahit kailan hindi ko papakasalan ang isang Samantha Andres!" narinig muli niyang sabi ng binata sa kausap sa kabilang linya.
Parang matutumba si Samantha sa narinig. Si Lawrence ay may asawa na? Bakit kailangang magsinungaling sa kaniya ang lalake? Para lang ba makuha nito ang gusto niya sa kaniya? Ang sakit pala. Sobrang sakit! Wala pa silang nasimulan ay magwawakas na. Halos sabay sabay ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Gusto niyang tumakbo ng mabilis. Wala siyang alam gawin sa mga sandaling iyon. Basta isa lang ang nararamdan niya. Sobrang sakit! Naninikip ang dibdib niya. Nang marinig niyang may papalapit na yabag sa kinaroroonan niya ay mabilis siyang gumalaw at tumakbo pababa sa hagdan. Hindi na niya makita ang paligid niya dahil sa patuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata niya.
"Samantha." narinig niyang tawag ng binata. Pero hindi niya ito pinansin, mabilis ang mga hakbang niyang pababa sa hagdan. Hindi niya natanya ang sumunod na hakbang niya kaya nadulas siya. Hindi siya agad nakakapit sa hawakan. Natumba siya at umikot-ikot pababa sa hagdan. Sobrang sakit ang naramdaman niya sa katawan at ulo niya na ilang beses tumama. Napahawak siya sa ulo ng maramdaman ang kirot mula dito. Nagulantang siya ng mahipo ang basang tumulo sa noo niya.Dugo!
"L-lance!" bigla niyang naisigaw saga sandaling iyon. Nanlalabo na ang mga mata niya. Halong-halong sakit ang naramdaman niya at takot. Nanghihina siya. Hindi siya makabangon.
"Oh, God! Babe!" halos liparin ni Lawrence ang pagbaba niya sa hagdan para makalapit agad sa kaniya. Iniangat niya ang ulo niya at niyakap siya. Naaninag niya ang takot sa mukha ng binata."Babe, Please. Look at me."
"L-lance..." halos hindi na niya mabigkas. "I- lo-love you." mahina niyang sabi. Bumigat na ang talukap ng mga mata niya. Hindi na niya kaya ang sakit.
"I know babe. Mahal din kita. Mahal na mahal." halos hindi na niya narinig ang sinabi ng binata dahil nawalan na siya ng malay.
Isang panaginip. Napakagandang panaginip. Sana hindi na siya magising.
*****
Nakatitig si Lance sa mukha ng babaeng pinakamamahal niya. He can't afford lost her. Not again. Dahil pag muling nangyari iyon, ikakamatay na niya. Dobleng takot ang naramdaman niya ng makita itong duguan. Sa klase ng trabaho niya, sanay siyang nakakita ng mga duguan at siya din ang nagiging dahilan ng mga iyon.Hinaplos niya ang pisngi nito. May benda ito sa ulo. Sinisisi niya ang sarili niya. Alam niyang siya nanaman ang dahilan ng pagkakapahamak nito.
"Forgive me babe." namamasa ang mata niya habang pinipisil ang kamay ng dalaga. Nakatulugan niya ang ganung ayos. Nasa side siya ng hospital bed ng dalaga habang hawak ang kamay nito.
Nagising siya ng gumagalaw ang hawak niyang kamay. Nahimasmasan siya ng makitang may malay na ang dalaga. Mataman itong nakatitig sa kaniya.
"Babe. Are you alright?" napatayo siya at lumapit sa ulunan niya. Habang hawak pa rin ang kamay nito. Hindi umimik ang dalaga. Walang ekspresyon sa mga mata nito.
"Lance." iyon ang narinig niyang sabi nito. Parang may poot ang mga mata niyang nakatitig sa kaniya. Pilit niyang inaalis ang kamay nito sa kaniya.
"May masakit ba sa iyo Sam? Wait, I'll call the doctor." sabi nito at tatalikod na sana ng tinawag siya ng dalaga.
"Lance." humarap siya dito. "Tell them to attend Mrs. Patricia Louise Saavedra not Samantha Andres. Baka magkamali sila ng mapasukang silid." matalim nitong sabi sa kaniya na ikinagulat niya.
Nakakaalala na ito. Bigla siyang natakot. Natakot sa susunod na mangyayari, lalo na't nakakaalala na si Patricia/ Samantha. Siguro, mas hihilingin nalang niyang di nalang ito makaalala. Dahil ang isang Patricia Louise ay kinamumuhian siya ng sobra.
Ang kaniyang asawa...
______________________________________
Guys.
"Missing Memory" ang title ng susunod na mga chapters...
Sana po, magustuhan niyo ang magulo kung kwento.
@iamtamz
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise