Karibal?

25.6K 633 7
                                    

Habang pinapatuyo ni Samantha ang buhok niya ay nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa pala siya kumakain ng tanghalian. Ano ba yan! Nakakatakot pa namang bumaba, ang dilim. Simula kasi kaninang iniwan siya ni Lawrence sa kwarto ay hindi na siya bumalik pa. Ang impakto! Hindi man lang niya ba naisip na hindi pa ako kumakain? Napilitan siyang bumaba at hanapin si Lawrence. 


"Nasaan kaya siya?" natatakot na rin siya. Hawak niya ang kandila habang naglalakad sa hagdan. Nasa pangatlong baitang na siya ng biglang may nagsalita sa likod niya.


"Saan ka pupunta?" si Lawrence.



"Omygad!" sabay hawak sa dibdib. Muntik na rin niyang talunin ang natitira pang baitang sa nerbiyos niya.


"Ano bang ginagawa mo dito sa baba?" tanong ulit ni Lawrence, nasa tabi na niya ito.


"Wala!" padaskol niyang sabi. Talagang manhid itong lalakeng ito. Tiningnan niya ito mula sa liwanag ng hawak niyang kandila. Nakaligo na ito. Fresh na fresh sa suot niyang puting sando at pajama. OMG! Bigla siyang napalayo dito ng maalala niyang, wala pala siyang kahit na anong suot pan-loob.


"Hindi mo ba alam na may multo dito?" panakot sa kaniya ng binata.


"Tinatakot mo ba ako?" Hindi naman talaga siya naniniwala sa multo. Mas natatakot parin siya sa kulog at kidlat."Hindi ako natatakot!" at humakbang ulit palayo dito.Mas natatakot pa nga siya sa kaniya e.




"Talaga?"at humakbang din ito palapit sa kanya. Siya nama'y lalo patuloy din ang paghakbang palikod."Sa akin? Natatakot ka?" tudyo nito.



"A-e, kwan." hindi niya alam ang isasagot niya. Susmayusep! Bakit ba siya nauutal pag itong lalakeng ito ang kaharap niya. Iba talaga ang epekto nito sa kaniya.



"Come on babe." nang aakit pa ang boses ng hudyo. Sa pag iwas niya ay hindi niya alam na may center table palam sa likod niya. Iyon ang dahilan kaya, bigla siyang napahiga. Hindi lang siya, kasi nakapatong na rin ang binata sa kaniya dahil sa pagsalo nito sa katawan niya upang hindi siya tuluyang masaktan, Napakabilis ang naging galaw ng binata. Napapikit nalang siya habang hawak parin niya ng mahigpit ang kandila."I got you!" si Lawrenmce, na halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila. Those lips. Bakit ba parang kaysarap halikan? Puwede mo namang halikan eh. Nasa harap mo na, bakit hindi mo pa sunggaban. Totoo naman iyon e. Agad na gumana ang isip niya. Pagkakataon ko na ito!


"Umalis ka nga diyan!" akma siyang tatayo, pero pinuntirya talaga niya ang mga labi ng binata. Kailangang magsalubong ang mga labi nila. At..nangyari nga. Nabigla siya sa ginawa niya. Ano na? hindi niya alam kung igagalaw ang labi niya. Magkadikit na ang labi niya at napapikit siya. Gosh! ang lambot! Naimulat niya bigla ng mata niya ng gumalaw ang mga labi ni Lawrence, sinakop niya ang kaniyang labi. Oh! Greysyus! Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya ine-expect iyon. Pero ang mas hindi niya ineexpect ay kusang gumalaw ang mga labi niya. Bakit parang kabisado niya ang galaw ng labi ng binata? Ilang segundo niyang ninamnam ang halik nito. Nang biglang.

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon