"Where are you going?" tanong ni Cha saakin nang makita niya akong nakabihis at nagpapatuyo ng buhok ko.
"Sasamahan ko si Justin, bibiling materials para dun sa diorama na pinapagawa ni Sarsagat." sabi ko habang nagsusuklay. Bigla namang sumingit sa usapan nang marinig niya yung pangalan ni Justin.
"Anong meron sainyo ng pinsan ko ha? Why are you always with him?"
Napiling nalang ako, "Believe me, it's not my choice." hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ni Justin. Yaya pa rin niya ko after how many days!
"Not your choice? It's been two weeks, already." gulong tanong niya at umupo sa gilid ni Cha. I felt my phone vibrate and saw his name. Tumingin ako sa labas and I saw him signaling me to come out. "Gotta go."
Justin was wearing a black cap, a while shirt, shorts and sunglasses. "Bilis. Ang init." sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Tay, sa Expressions po." sabi niya sa driver niya. Pinigilan ko siya at binulungan. "Mahal dun! Sa bayan nalang."
"Mainit dun, ililibre nalang kita." sabi niya at tumingin sa labas. Napaka arte talaga nitong kumag na to! But I guess it's fine if he's treating me.
"Ang daming kulang." buntong hininga niya nang tignan yung listahan namin. "I told you we should've went downtown." iling ko habang nangangalkal pa sa kailalim laliman ng Expressions. Justin pulled me up and whispered, "Let's go."
Nagbayad na kami kahit hindi pa kumpleto yung gamit namin. Nasa labas na kami kaagad ng mall nang biglang pumara ng tricycle si Justin. "Oh, saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sabi mo meron sa bayan." maikli niyang sabi at sinuot yung shades niya. "Bakit hindi ka nagpasama sa driver mo?" tanong ko habang lumalayo sakanya ng konti. Medyo masikip, plus hindi kami ganon ka close.
"Walang parking dun, papahirapan lang tayo. Bumalik nalang tayo, nandun lang naman yun naghihintay." sabi niya habang nagso scroll sa cellphone niya. "Tapos sasabihin mo 'di ka mayaman?" singhal ko.
"Why do you keep on rubbing it in my face? Hindi ba mayaman ka rin dati?" binaba niya yung cellphone niya. Na offend ata.
"Yeah, I was. Not anymore." I shortly said, making things even more awkward. "Ayokong binibring up yung pera ng mga magulang ko." buntong hininga niya at binuksan ulit ang cellphone niya.
Dumating na kami dun sa shop na sinasabi ko. Naglalakad lakad siya at mukhang nagulat kung gaano ka kumpleto yung nandito. Sabagay, noong dinala rin ako dito ni coach, nagulat rin ako.
"Yan na ba lahat?" tanong niya habang chinecheck yung laman ng kart. Tumango ako at dumiretso na sa bayaran. He pulled out a thousand like it was nothing. How could he get mad at me for saying he looks rich?
Matahimik pa rin kaming dalawa habang naghihintay matapos yung kaharap namin. We've had a lot of eye contact and it was really uncomfortable for me.
"So, hindi ka ba magkekwento?"
Napatingala ako nang bigla siyang magsalita. I was silent for a few seconds, processing if I was the one he was talking to. "About?" maikli kong sagot.
"Your family. Your riches." His expression changed as he saw me tilt my head sideways. "Sorry, your past riches." he cleared himself.
YOU ARE READING
Secret Seduction | [R-18]
RomanceJaxavier Academy is where it all started. The school that had a good reputation outside but a rotting one inside. Andrea's love story started when she answered, "Truth" as the spinning bottle stopped in front of her. From then on, it was just a r...