Dedicated to my beloved sissy. Hope ya like it. ;)
-Chelsey's POV-
Mabait naman pala siya. Kaya pumayag na ako na magpahatid sa school. Mapagkakatiwalaan naman siguro siya. Saka bukod sa mabilis akong makakarating, libre pa ang pamasahe! Yehey! Infairness, ang ganda ng kotse.
Ten minutes na kaming nagba-byahe pero wala pa ring umiimik sa aming dalawa. Yung driver ko, joke! I mean itong lalaki na 'to, walang imik. I'm not used to it. Sanay kasi akong maingay. I can't stand it kaya kinuha ko ang Ipod ko and put my earphones on.
[NowPlaying: What Makes You Beautiful] Ang ganda talaga ng kantang 'to, plus ang gwapo pa ni Zayn at Harry.
After five minutes nagsawa rin ako sa pakikinig ng music. Aish! Ang tahimik pa rin niya! Baka mapanisan ako ng laway dito! Kausapin ko nalang kaya itong si... Hindi ko pa nga pala alam pangalan niya!
"Uy, ano palang name mo?" Maang kong tanong sakanya. Sana naman mamansin siya. Bumaling siya sakin. He looked at me with confusion written all over his face.
"Hm, Alec... No, Jade. Call me Jade."
"Ahh. Ako naman si Chelsey!" Masigla kong sabi, siya naman poker face.
"So? Not asking." Aish! Akala ko pa naman may soft bones din 'to! Ang sama talaga ng ugali.
"Sinasabi lang! Hmp. Mag-drive ka na nga lang!"
"Tss." At 'yun na nga ang ginawa niya. Kaya three minutes na katahimikan nanaman tapos nakarating na kami sa wakas! Ang kaso, late na ako!
"Oyy... Jade! Dito na ako, thank you sa paghatid. Bye!" Lalabas na sana ako pero piniglan niya ako.
"Hey wait! Thank you isn't enough. You'll have to pay me back for this." Aww. May bayad pala. Akala ko malilibre na ako! I stared at him with my 'I-thought-you're-rich' look.
"Oh, hindi naman pero hihingiin ko. I have lots of money." Yabang!
"Hindi pera? Then what?" I felt sudden chills when he gave me that crooked smile. Waah!
"Hey! What's with that smile! Pwede ba, wag kang man-trip! Hurry up, I'm totally late!" Dyahe talaga! Sandali siyang natahimik.
"Hm, I still have to think about it! Saka ko nalang sasabihin sa'yo." Ganon? Kailangan pang pag-isipan? Oh well, tignan lang natin kung mahahanap mo ako! I laughed wickedly in my thoughts.
And as if he read my mind he said.: "Don't worry brat, this isn't our last encounter. I'll find you." And he winked at me. Nakakatakot naman 'tong lalaking 'to! Pero bakit ako nag-blush?!
"Wala naman akong sinasabi! Dyan ka na! Bye!" At saka na ako bumaba ng kotse niya at padabog na sinara ang pinto. Sana hindi masira. Nang tinignan ko ang oras, seven-forty na! Kyaaah! Dali-dali na akong tumakbo papasok ng campus.
At dahil sa sobrang pagmamadali ko, nakabunggo ako. Aw! Lord naman, bakit po ang dami kong kamalasan ngayon araw?
"Sorry, miss." Sabi nung nakabunggo sa akin.
"Sorry din po. Sige mauna na ako! Bye!" Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan kaso late na talaga ako.
"Teka miss 'yung..." Wala na akong oras para pakinggan siya kaya tumakbo na ako papuntang room.
Pagdating ko, nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong wala pang teacher sa harap. Yehey! Hindi pa ako nakaka-upo sinalubong na agad ako ng aking girlfriends with a great big hug!
BINABASA MO ANG
A Gangster's Love (CURRENTLY BEING REVISED)
Teen FictionAll Rights Reserved. 2012 Property of: DLuckyone