Chapter 3

31K 479 27
                                    

-Chelsey's POV-

It's been a week since pumasok ako sa Shiwon Univ. And today is Saturday. So walang pasok at super boring. Maayos ko namang naitaguyod ang firt week ko, masaya. Patuloy pa rin akong nahuhumaling kay Kelsey at sa mga pa-simpleng ngiti niya.

Medyo curious na rin ako sa grupo nila kahit hindi ko pa sila nakikitang lahat. Si Kelsey palang. Hindi talaga pumasok buong linggo ang iba niyang kasama. Buti pinapayagan silang mag-absent ng ganun katagal?

"Arghh. Boring!" Gumulong-gulong ako sa kama ko hanggang sa nahulog ako. "Ouch!" Wala na talaga akong magawa. Hinaplos ko ang likod habang naglalakad papunta sa vanity table kung nasaan ang phone ko. Maglalaro lang sana ako ng farmville ng nag-vibrate.

Girlfriend Ellyza: Girlfriend! Bihis ka! Mall tayo! =)

Napa-yes! naman ako dahil sa wakas may lakad na ako at hindi na mabo-bore dito sa bahay. Wala si oppa dahil may pasok siya kaya wala akong makausap.

To: Girlfriend Ellyza
Sure. Tayong dalawa lang?

Maya-maya, nag-vibrate ulit phone ko. Inaasahan ko na siya pa rin ang nagtext.

From: 09*********
Hey, monkey girl. See you real soon! ;)
-J

Kumunot ang noo ko. Same number ito sa nagtext sa'kin noong Monday na muntik ko ng makalimutan. Naisip kong mag-reply pero may dumating ulit na text message.

From: Girlfriend Ellyza <3
Nope, kasama natin 'yung tatlo. Kakatawag ko lang sakanila.

Complete pala kami! Masaya 'to! Ngayon nalang ulit kami makakapag-bonding! Pagkatapos kong mag-reply kay Ellyza, dumiretso na agad ako sa banyo para maligo.

Sinundo nila ako sa bahay gamit ang kotse ni Allyson. Buti pa siya pwede ng mag-drive. Student's license gamit niya. Nagpaalam ako kay oppa at pumayag naman siya. Isa sa mga mall branches namin ang napili nilang puntahan.

"Ang laki na nitong branch na 'to, Ellyse." Nakaakbay sa'kin si Ellyza habang naglilibot kami.

"Oo nga! Last year kakaunti palang ang stores. Wala pa 'yung favorite brand ko." Sabi ni Sydney.

"Well it's a good thing meron na pati brand ng shoes na gusto ko!" Allyson clapped her tiny hands.

"So what are we waiting for? Let's go shop." I announced happily. Pinuntahan namin ang lahat ng stores na gusto namin. Kahit pa anak ako ng may-ari ng mall, hindi ko sinasabi at pinaglalandakan. Pero humingi ako ng discount para sa mga kaibigan ko.

"Nakakapagod!" Paanong hindi mapapagod 'tong si Sydney, eh halos lahat pinuntahan nila.

"Right! Gutom na ako, tara kainan na!" Sabay-sabay kaming pumasok sa japanese restaurant na favorite namin. Habang kumakain, nagkwentuhan kami. Napansin ko na tahimik lang si Kendi. Hindi naman na bago 'yun dahil emo talaga siya pero nitong nakaraang linggo, napansin ko na umiiwas siya sa'kin. Ano kayang problema?

"Ellyse, may bagong arcade dito di ba?"

"I'm not sure. Ang alam ko lang 'yung traditional  gamehouse na meron sa lahat ng mall branches." Sagot ko kay Sydney.

"Sabi ng little brother ko meron daw. New investment ng mall. Magaganda raw ang games."

"Let's go check it out bago tayo umuwi!" At doon nga kami dumiretso pagkatapos kumain. Hinanap namin at nakita namin sa fourth floor ang sinasabi nilang bagong arcade. Sobrang daming tao doon.

"Mukhang hindi tayo makakasingit diyan."

"True. It's jam-packed!"

"Ellyse! Gamitin mo nga ang heiress powers mo para makalaro tayo." Pabirong sabi ni Ellyza. Pero alam kong gusto talaga nilang pumasok doon.

"Wait lang. Hintayin niyo ako dito." Pumunta ako sa pinakamalapit na ticket booth.

"Hi, can I talk to your manager?" Bakas sa mukha ng babae ang pagtataka. Alam ko naman na hindi ako kilala ng lahat ng employees. Mas gusto ko rin 'yun para walang special treatment at makagalaw ako ng normal. "I'll just..."

"Miss Hee-Chul! What a surprise. Nakabalik ka na pala ng bansa?" Napatingin ako sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko at agad na nag-bow.

"Mr. Go, hello po. Yes, this month lang po." Nakipag-shake hands ako sa matandang-lalaki. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ni daddy at madalas bumisita sa bahay namin sa Korea kaya kilala ko siya. "Dito na po ako mag-aaral kasama si oppa." I smiled at him.

"That's good news." Nakangiti rin siya sa'kin. "What can I do for you?"

"Uhm... If it's okay, can you help my friends and I to have access on all the games here?" I said shyly. Nahihiya pa rin ako na mag-utos kung kanino lang. Baka isipin nila na inaabuso ko ang privileges ko.

Mr. Go laughed heartily. "Of course, Miss Hee-Chul. Everything in this mall is under your name so feel free to ask anything from us." Mas lalo akong nahiya sa naging tugon niya. "Wait here, I'll talk to the assistants so they can help you." Nag-bow ulit ako pagkatapos mag-thank you. Nang masigurado ko na maayos na ang mga kaibigan ko, nagpaalam ako para pumunta sa CD WORLD.

Dumiretso ako sa stall ng Paramore. Hinanap ko ang latest album nila at natuwa ako nang makita ito. Nasa pinakataas na shelf at nag-iisa nalang. Fast-selling ang isang 'to at alam kong wala na 'to sa ibang branches ng malls. Isa rin 'to sa mga sadya ko dito kaya hindi ko talaga palalampasin! Nanlaki ang mata ko ng may nakasabay ako sa pagkuha. Mukhang may kaagaw pa ako dito. Hindi ako makakapayag!

"Akin to, nauna ako!" Hindi ko inalis ang tingin ko sa album na hawak ko at sa kamay ng kaagaw ko na nakapatong din sa kamay ko.

"Nope. I saw it first." Pamilyar na boses ang narinig ko pero wala doon ang isip ko. Nag-iisip ako kung paano ko maitatakbo itong cd palayo sakanya.

"Ako ang naunang makakuha."

"I'm also grabbing it incase you didn't notice."

"You're grabbing my hand, jerk." Madiin kong sabi. Tumingin na ako sa kanya para sindakin siya pero ako ata ang nasindak. Hindi siya nakatingin sa'kin pero ako, kitang-kita ko siya! Kitang-kita ko kung sino 'tong kaagaw ko!

"Look missy..." Bumuntong-hininga siya bago unti-unting humarap din sa'kin. Naka-poker face siya nung una pero kalaunan, napalitan ito ng kunot noo. Nakita ko ang slow motion na paglaki ng mata niya ng ma-realize niya kung sino ang kaharap niya.

"IKAW?!"
"YOU?!"

We said in unison. Aba't in-english lang yung sinabi ko!

A Gangster's Love (CURRENTLY BEING REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon