-Chelsey's POV-
"It's right there. Second door from your left." Malakas na sabi sakin ni Jade.
"OKAY! Thanks!" Tumayo na ako para makapag-banyo. Ugh, nakakahilo yung mga ilaw! Tapos ang ingay ingay pa dito! Ang aga aga pa pero ang dami ng tao! At kahit mga mukhang minors eh nakikigulo din dito. Ganito ba talaga sa bar? Kung bakit kasi ipinagkait ko sa sarili ko ang pagkakaroon ng maingay at mapusok na night life.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay sa banyo ay napag-isipan kong umuwi nalang. Nahihiya naman na din kasi akong bumalik sa school. Si Jade kasi bigla nalang nanghihila kung saan! Nagpahila naman ako. Pfft. Lumabas na ako ng CR at pabalik na sana sa upuan namin ni Jade para magpaalam nang natigilan ako sa nakita ko...
At feeling ko nanghina ang mga tuhod ko. I stood there dumbfounded. Bakit pa niya ako dinala dito kung ito din lang ang makikita ko.
He's kissing somebody...
"Chelsey?!"
Gusto ko siyang sigawan... Pero natuyuan ata ang lalamunan ko.. Arghhh! Akmang lalapit na siya sakin.
I gulped. "H-How could you Jade!" Finally may lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ko na siya hinintay na makalapit pa sakin. Tumalikod ako at tumakbo... papalayo sakanya.
"Chelsey, wait!" I heard him call after me. Pero di ko siya pinansin. Tumakbo lang ako.
Bakit ganito? Ang sakit. I feel... betrayed. Argghhh! I need to get out of this dismal place! Tumakbo ako hanggang makalabas na ako ng bar.
My eyes went blury. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.Hindi na ako makakita ng malinaw kaya naman hindi ko sinasadyang may nabunggo ako.
"S-Sorry..." Nagpunas ako ng mata at tatakbo na sana ulit pero pinigilan ako ng nakabunggo ko.
"Hey, not so fast!" Humarap ako sakanya at yumuko.
"I said I'm sorry. I didn't see you..." I stopped when two unfamiliar boys held me by my arm. "D-Don't touch me!" Pero mas humigpit ang hawak nung dalawa sa braso ko. Ouch.
"L-Let me go..." Mahina kong sabi.
"Nah-uh pretty girl..." He smirked. Nakakatakot siya! Hinawakan niya ako sa pisngi at kinilabutan ako!
"A-Ano ba!" I tried to make my voice firm.
"One tough cookie huh?" Ngumiti siya sakin ng nakakakilabot. Waaaaah! Lumayo siya ng konti at nilagay ang kamay sa baba niya na parang nag-iisip.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Love (CURRENTLY BEING REVISED)
Ficção AdolescenteAll Rights Reserved. 2012 Property of: DLuckyone