Chapter 8 - Revenge
Heto na naman ako sa loob ng unit ni Clark.
Buti na lang talaga brainy ako at na-recall ko ang passcode niya! (But really, ilang beses akong nag-try bago ako nakapasok) Wala talaga siyang balak na papasukin ako. Si Clark pa? Todo tanggi nga siyang patirahin ako dito!
Titira kami sa loob ng iisang bubong.
Ang hirap i-process sa utak.
Okay, ano naman ngayon? Nag-strip lang naman siya sa harap ko, na ginawa lang din naman ng lahat ng Phoenix boys.
Muntik lang naman din na may mangyari sa'min, at awkward lang naman kami sa isa't isa. REALLY, no biggie. I'm sure wala lang naman sa kanya iyong ng mga nangyari sa'min. Ako lang ang nagpapalaki ng mga bagay-bagay.
Bumuntong hininga ko. Inalis ko ang mga damit at uniform sa bag ko. Hindi man lang kasi nagtira ng kahit isang maayos na gamit ang mga sumira sa apartment ko.
Umakyat ako sa second floor para ilagay ang mga ito sa napakalaking dresser ni Clark. Nagpaalam naman ako na doon ko rin ilalagay ang mga damit ko.
Naabutan ko si Clark na nakaupo sa floor, nakasandal ang likod niya sa isang gilid ng kama, may earphone na nakapasak sa isang cute na tainga niya habang may hawak siyang guitar, at sa gilid niya ay may notebook at pen.
Ang cute niya.
At ang attractive.
Lumapit ako at umupo sa harap niya matapos kong ibigay ang mga damit ko sa dresser.
Tiningnan lang ko saglit ni Clark, at binalik na ang atensyon sa gitara niya.
Nakakainis! Ganito ba ang balak niya? Tratuhin ako na parang hindi ako nage-exist? Kahapon simula ng makarating kami dito, ganyan na siya.
Tuwing kakausapin ko nga siya, feeling ko nakikipag-usap ako sa hangin dahil hindi niya ko sinasagot.
Hindi naman sa nagpapansin ako, ayoko lang na tratuhin niya ko ng ganito. I hate being ignored... I hate it so much gaya ng pagkamuhi ko sa tunog ng ulan. Mas okay pa nga na nagbabangayan kami eh. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, nag-shower pa nga ako bago natulog sa sofa kagabi. Kaya bakit ayaw niya akong pansinin?
Sa inis ko inagaw ko sa kanya ang gitara.
Clark glares in an instant, "What the hell?"
Edi nagsalita ka rin. "Pahiram muna ko." I give him a smug look. "Marunong ako 'no. Gusto mo kantahan kita?"
"Tsk." Akma siyang tatayo kaya hinawakan ko ang braso niya at hinatak ulit siya pa-upo.
"Makinig ka lang, kakantahan kita. Minsan lang 'to."
Malakas ang loob kong kumanta sa harap niya dahil kahit papano naman may ibubuga ang boses ko. I clear my throat, strum the guitar and start singing...
Someday... you'll gonna realize,
One day, you'll see this through my eyes,
By then, I won't even be there,
I'll be happy somewhere, even if I can't.
I know, you don't really see my worth,
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Novela Juvenil(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...