Chapter 37

843 30 4
                                    


Chapter 37 - Confrontation


Fortunately, maayos naman kaming nakarating sa ospital. Hindi ko rin nagasgasan si Nimfa.

Inasikaso agad si Zen ng mga nurse at doctor pagdating namin. Kasalukuyan na siyang nagpapahinga ngayon sa hospital room niya. Kinausap na rin ako ng doctor kanina. Wala naman daw major damage o internal bleeding sa mga sugat at pasang natamo ni Eizen. Hintayin lang daw na mawala ang pangingitim at pamamaga sa mukha at sa katawan nito, at pwede na raw itong lumabas.

Hinayaan ko nang si Zen ang magsabi sa parents niya. Katulad ng parets ko, nasa ibang bansa din ang mga ito. Isang dahilan kung bakit kami magkasundo, pareho kasing parang walang pakielam sa'min ang mga magulang namin.

Pumunta ako sa cashier para sana asikasuhin ang bills pero...

"Po? Sigurado po ba kayo?"

"Yes po. Tinawag na po ni Mr. Evans ang pagdating ni Mr. Eizen Dixon, wala na po kayong kailangang intindihin sa bills niya."

"Mr. Evans?"

"Yes Ma'am, si Mr. Evans po ng Phoenix."

"Sino sa kanila?" madami-dami ang Evans sa Phoenix eh. Puro magpipinsan.

"Si Mr. Saint Evans po, Ma'am. Sila po ang may-ari ng ospital na ito."

"Sige po salamat."

Despite the situation, napangiti na lang ako. Sure, of course. The really don't care.

Pabalik na ko sa room ni Zen nang marinig ko ang pangalan ko.

Agad na pumaling ang mukha ko pagharap ko, dahil sa malakas na sampal na inabot ko.

"Why the hell are you with Zen?! What the hell did you to him?! Kapag may nangyaring masama sa kanya, I swear to God!"

"Okay na siya." Matamlay na sagot ko sa nagwawalang si Lacey.

"Anong ginawa mo sa kanya?! Bakit siya nandito?!"

"Will you please calm down?"

"Paano ako kakalma? Kung nandito sa ospital ang boyfriend ko!"

Natakpan ko na lang ang tenga ko. She's being way too loud. "I told you, your boyfriend's okay now. Room 231, he's there. See for yourself."

Akala ko lulubayan na niya ako, pero dadramahan niya pa pala ko.

"Umamin ka nga sa'kin ngayon slut! Nagkikita kayo ng palihim 'di ba?!"

"Ha?" She's not making sense at all.

"Nakikipag-break siya sa'kin! Mahal ka pa daw niya! Hindi niya naman sasabihin 'yon kung hindi ka nagpaparamdam sa kanya 'di ba? Napakalandi mo! Nililigawan ka na ni Clark 'di ba?! Tigilan mo na kaming dalawa! Mang-aagaw!"

I roll my eyes. Stressed na nga ako, masyado niya pa kong ini-i-stress ng ahas na 'to. I take a breath. Tutal inumpisahan niya ko nang pag-da-drama, magda-drama na rin ako.

"Hindi parang ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan? Sa tingin mo, sa'ting dalawa sino ang mang-aagaw? Hindi ba ikaw? Nanahimik ang relasyon namin Zen noon, but what did you do? Ikaw ang nang-agaw, hindi ako."

Back then, I thought she was my friend. I trusted her, way too much. Kaya siguro akala niya, pati si Zen ipinagkakatiwala ko sa kanya.

"Hindi ko sya inagaw, siya ang kusang sumama sa'kin! Pinakitaan ko lang ng kaunting motibo, bumigay na! Masyado ka raw kasing pakipot, guys have needs too, at hindi mo 'yon naibigay sa kanya!"

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon