Chapter 2 - Bet
"Ano?! Ginawa ko 'yon?!" tanong ko sa dalawang kong kaibigan, nasa dining room kami, kumakain ng almusal. Dapat hindi ako sumigaw, lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Kainis na hangover. "Imposible, ako?!"
"Ikaw nga!" sigaw ni Clark. Oo, si Clark Anderson the stripper nga.
S-T-R-I-P-P-E-R.
The badboy, the bully, the grumpy but sexy and hot Phoenix guy Clark. Parang ilang araw pa lang ang nakalipas nang makita ko kung pa'no niya binugbog ang limang nakaitim na lalaki sa loob ng three minutes and one second tapos bigla siyang mags-strip sa harap ko?
"Eto na sa balat ko ang ebidensya, gusto mo pa ba ng video?!" sigaw ulit niya habang tinuturo ang leeg at pisngi niya.
Nandito pa nga pala siya. Akala ko pagkatapos ng heated moment namin kagabi umalis na siya. Hindi pa pala... dahil pinigilan ko raw kasi siya. Ako? Ako talaga?!
"Ba't hindi ko maalala?" O ayaw talagang alalahanin ng utak ko dahil sobrang kakahihiyan 'yong ginawa ko? Hinilot ko ang sintido ko para maalala ang mga nangyari kagabi pero walang talab.
Charlie and Alisson just shrug while Clark keeps on glaring at me. Kung makatingin naman 'to, akala mo minanyak ko siya! Siya nga 'tong nagstrip sa harap ko! Hindi na tuloy virgin ang mga mata ko... at pati pala dibdib ko!
Kami kasi ng ex kong insekto, hindi pa umabot sa gano'n. Hanggang kiss lang dahil ayoko. Isa rin siuguro 'yon sa dahilan kung bakit siya nagtaksil. Pero ba't sa Clark na 'to, ako pa ang humawak-hawak sa kanya? Ah, kaakit-akit kasi siya masyado, lumabas tuloy ang nagtatagong pervert side ko, at lasing nga rin pala ako.
"Excuse me Mr. Clark Anderson," sabi ko, hindi ko na matiis ang sama ng tingin niya, "Kung ano man ang ginawa ko sa'yo kagabi, dala lang ng kalasingan 'yon." Paliwanag ko but he doesn't look convinced. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.
Bahala nga siya.
After breakfast, nauna nang umalis si Charlie dahil may iko-cover daw siyang kaganapan sa kung saan. She's a student journalist, kaya madalas bigla-bigla na lang siyang nawawala, minsan naman bigla-bigla na lang sumusulpot.
Niyakap ko si Alisson ng mahigpit.
"Take care." Bilin ko sa kanya, medyo stubborn at clumsy kasi siya minsan. "Kahit nandyan ang Pyxis at ang boyfriend mo para bantayan ka, mag-ingat ka pa rin. Maraming asungot sa paligid." Sinadya kong iparinig 'yon kay Clark, sila ng barkada niya, ang Phoenix ang asungot na tinutukoy ko na mortal enemy number one lang naman ng Pyxis... dati pa naman 'yon. From what I've heard, okay na yata sila.
Alisson smiles at me. "Oo na po. Ako may tagapag-bantay, eh ikaw? Si Clark lang ang meron ka."
"Ha?!" bulalas ko,
"What the fuck?!" sigaw naman ng maarteng si Clark.
Tinawanan lang kami ni Alisson. Baliw lang, nakuha pang mag-joke, ang awkward na nga namin nitong si machong stripper eh.
"Hoy Clark," Alisson says pagkatapos niyang tumawa sa lame joke niya, "Isabay mo na si Loise."
"Ayoko."
Kung makatanggi! Sarap putulan ng mahabang binti para makabit ko sa'kin. "Magko-commute na lang ako. Ayokong sumabay sa stripper."
Hinarap niya ako at buong diin na sinabi, "I'm not a fucking stripper."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba 'yong ginawa mo kagabi? Hindi ka ba nag-strip?"
He glares at Alisson, "You didn't tell her?"

BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...