Chapter 34

930 34 1
                                        


Chapter 34 - Jealous


Aside from Cole, ngayong month din pala ang birthday ni Clark, who has been very busy lately dahil sa upcoming race nila. Tuwing Saturday lang ang training nila, but lately pumupunta siya sa training center even after class. Kapag hindi niya ako maihahatid, ibinibilin niya ako sa ka-triplets ko.

And it's Saturday today, the sun is high up the clear sky. Ako lang mag-isa sa unit, ano namang gagawin ko dito? I can't stare at the beautiful sky all day, kaya tinawagan ko si Kyle; hoping na wala siyang date ngayon para masamahan niya ako papunta sa training center.

I actually wanna call Ruru, but I remember he's in Taiwan right now, they'll be spending the weekend there with his family. Nag-message din ako kay Sumner, pero hindi pa siya sumasagot. I'm guessing the big baby is still sleeping.

Siguradong magagalit sa'kin si Kyle kapag nalaman niyang siya ang third choice ko.

Fortunately, Kyle answers after several rings. Hindi naman daw siya busy, at mamaya pa daw hapon ang date niya. And I wanna thank God, for the miracle He's given me today.


Kyle arrives ilang minuto lang matapos ang tawag. He looks so good in his polo, a silky one na galaxy ang design, naka-tuck in ito sa skinny black pants niya, at Gucci belt. Kitang kita tuloy ang mahahabang legs niya. For his shoes, he's wearing a black leather boots.

I can't help but compliment him in his outfit. "Gwapo natin ngayon ah."

He smiles, "Ngayon lang?"

He opens the car door of his super light blue convertible Lamborghini for me, and I gladly hop in. "Thanks."

Thirty-minute drive lang daw pala ang training center mula sa unit, depende sa traffic.

"Kailan pa nahilig sa racing si Clark?" I ask Kyle, while he's handsomely driving with one hand.

He pauses before answering, "Hindi mo talaga alam?"

Gusto ko siyang sarkastikuhin pero umiling na lang ako. Magtatanong ba ko kung alam ko Kyle?

"Mga bata pa kami mahilig na siya sa mga kotse, I remember madalas kaming pumunta sa amusement park para lang maglaro ng bump cars."

"Ohh." Madami-dami kaming napagkwentuhan ni Kyle habang nasa biyahe, kung ano-ano lang naman pero sumisingit ako ng ilang mga tanong tungkol kay Clark. Mga information na gusto kong malaman.

Bukod pala sa racing, mahilig din siyang mag-basketball at totoo din na wala pa siyang nagiging girlfriend. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang sinabi noon sakin ni Ate Yassie, pero kasi hindi lang talaga kapani-paniwala eh.

"How about his flings? Ilan?"

"Si Clark? May flings?" Natawa si Kyle, "Sa suplado niyang 'yon? Takot ang mga babae sa kanya, may ilan na malakas ang loob na lumalapit pero tinataboy o kaya binu-bully niya."

Hindi ako makasagot. Hindi ko expect na wala talaga siyang flings! Sa galing niyang humalik? Gano'n ba siya ka-gifted?

"Why do you look so surprised? Hindi ba kapani-paniwala?"

"Hindi naman, it's just that..." napaka-judgmental kong tao.

"Can't blame you, it's on our image being the bad boys—being Phoenix." Naka-smirk na sabi niya, proud na proud.

Narating din namin ang training center and it's so huge! Madali kaming nakapasok dahil kilala na pala dito si Kyle, madalas pala silang Phoenix dito, pinapanood si Clark pati ang ibang mga kumakarera, minsan sila mismo ang kumakarera.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon