Chapter 36

779 22 2
                                        


Chapter 36 - Zen


"Eizen."

Ilang buwan ko ring hindi ang pangalang 'yan. It's only his name, but it's still too painful for me.

"Let's talk." sabi niya lang, na parang may karapatan pa siyang kausapin ako.

Natawa ako ng pagak, at buong gigil na sumagot, "Talk about what? May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi pa ba sapat na ginago mo ako?"

"Loise..."

"It's been three months Zen, pero ngayon mo lang naisipang makipag-usap sakin? Para saan pa?" Gusto kong isumbat sa kanya lahat, but it's no use now.

"Just come with me... let's talk... about us."

"There is no us now Zen. May klase ako." Huminga ako ng malalim at tumingala; nagbabadya ang pagtulo ng mga luha. Kainis. Ang sakit pa rin pala.

I turn my back on him, pero nahawakan niya 'ko sa braso. "Kahit sandaling Loise, please."

Sinalubong kong muli ang mga mata niya, those very eyes na hindi ko kayang tiisin noon. Pero ngayon...

Hindi ko na alam.

"Classmate ko si Lacey, baka makita niya tayo at kung ano ang isipin ng girlfriend mo—"

"I miss you... let's talk. Please." At hinigpitan niya ang hawak sa'kin.

He misses me? Gosh. Gusto ko siyang sampalin pero wala akong lakas. Para akong pagod na pagod sa hindi ko malamang dahilan.

"Let go of me—"

But instead of letting go, niyakap niya ko nang mahigpit.

Muli akong huminga ng malalim, dahil ano mang oras ay babagsak na ang mga luha. Nakakainis. Ano na naman bang drama ng insektong 'to?

"What the heck is your problem?! Bakit mo ba ginagawa 'to?! Bitawan mo 'ko, Eizen!"

Nagpumiglas ako, but when he lets go and cups my cheeks, hindi na 'ko nakagalaw.

Nakakahiyan aminin, but I do miss his touch. I miss him. One year and a half din kami. Natural lang sigurong ma-miss ko siya.

And I can see that he feels the same. His eyes are longing... for me.

Bigla akong nalito sa nararamdaman ko. Sigurado akong hindi ko na siya mahal. I haven't seen him in months, pero ngayong nasa harapan ko na siya... Hindi ko na rin alam.

Bakit ganito?

Biglang nag-flashback sa'kin ang mga memories namin. Halos lahat ng mga alaalang 'yon ay masaya. He was the perfect boyfriend, magkasundo kami sa halos lahat ng bagay, napakadalang din naming mag-away. We were happy, kaya hindi ko lubos maisip, na magagawa niyang makipaghalikan sa ibang babae, at kay Lacey pa, ang tanging babae na itinuturing kong kaibigan dito sa Saunder.

And it still freaking hurts.

"Bakit ba nagpakita ka pa? Ano pang kailangan mo sakin?" pilit kong pinakalma ang boses ko, ayokong magwala sa harap niya.

Eizen is not listening to me, he even pulls me closer. "Come back to me, Loise."

"Wala ka bang hiya? Matapos ang ginawa mo... ang lakas naman nang loob mong sabihin 'yan?"

Hindi ko maipaliwanag ang tinitibok ng puso ko. Ang kinimkim kong sakit at galit nang nakaraang buwan, ngayon unti-unting lumalabas. Talagang ngayon pa siya susulpot? Para ano? Para guluhin ang damdamin ko? Kung kailan masaya na ulit ako? Kahit hindi pa tuluyang magaling ang sugat na iniwan niya, natuto naman akong maging masaya.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon