Chapter 50

892 36 11
                                    


Chapter 50 - One


Si Clark naman ang nag-aya sa'king maglakad-lakad nang makabalik kami ni Sumner. Hinayaan nila kami, para daw makapag-bonding kaming dalawa.

We stop in front of my old classroom, kung saan niya ako tinuruang mag-bike. Si Kyle ang nagprisintang magturo sa'kin noon, pero iniwan niya ko no'ng may nakita siyang mas cute na batang babae na nag-aaral ding magbike.



"Tch, you're just gonna balance yourself! Hindi mo pa matutunan?" sermon sa'kin ni Clark na para bang ang daling magbalanse ng katawan. Ilang beses na akong bumubuwal, ang dami ko nang gasgas at sugat sa tuhod. Ilang beses na rin akong ngumangawa, tulad na lang ngayon.

"Sinabi ko bang turuan mo ko? Ikaw ang kusang lumapit sa'kin eh!" angil ko sa kanya,

Inalalayan niya kong tumayo. "Tsk. Let's start again."

"Ayoko na Clark.... Ayaw na rin kitang tawaging Clark! Ang hirap bigkasin. Yoyo na lang itatawag ko sa'yo."

"Yoyo? Ayoko!"

"Yoyo na lang tutal bagay naman sa'yo eh, si Clark Yosef ka naman!"

"Don't call me that! Tch, you think your name is pretty? Well, it's not! Heloise? It's weird!"

"Mas weird ang pangalan mo 'no!"

"No! Your name is weirder!"

"Yoyo na lang tatawag ko sa'yo, wala ka nang magagawa!"

Lalong sumama ang cute na mukha ni Clark, "Then... Then... I'll call you... I'll call you... I'll call you Wiswis!"

"Wiswis?"

"Yeah, Wiswis! Mukha ka namang ibon eh! Palagi ka nakanguso, tch. Lawiswis!"

"Minsan lang kaya ako ngumuso!"

"Tch, gusto mo pa bang matutong mag-bike o makikipag-away ka na lang sa'kin?"

"Ikaw kaya ang nagsimula!"

"Anong ako? Ikaw! Tinawag mo kong Yoyo!"

"Eh sa mahirap bigkasin ang pangalan mo eh! Tapos sinabihan mo pa akong Lawiswis!"



Hindi kami tumigil sa pag-aaway noon, pero natuto pa rin naman akong mag-bike. Hindi niya ako sinukuan kahit inaaway ko siya.

"Thank you, Yo... sa pagtuturo sa'king mag-bike. Parang hindi yata ako nakapag-thank you sa'yon noon."

Clark pouts, "Yeah, inaway pa ko instead of thanking me."

"Sorry, better late than never, right?"

"You're way too late, Wis." Tumawa siya at pinisil ang kamay ko, "But you're worth the wait."

Ang effortless niyang magpakilig. Nakakainis. I look away to hide the rush of blood on my cheeks. Tinuro ang malaking puno ng narra hindi kalayuan sa'min. After so many years, it's still standing tall. "I remember what happened there, too."

Now it's his turn to blush.



Palabas kami ni Mirae ng classroom nang makita namin si Clark na naghihintay sa pinto.

Ano na naman kayang kailangan niya? Baka aawayin na naman ako. Palagi naman kaming nag-aaway eh. Napagbati ko nga silang Phoenix pero kaming dalawa hindi magbati-bati.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon