Chapter 17

1K 37 3
                                        


Chapter 17 - Reenactment


I take a very deep breath. Kanina pa ako nakatitig sa phone ko pero hindi ko pa rin alam ang ita-type.

Paano ko ba sasabihin sa kanila ang sitwasyon ko?

Hi Mom and Dad, in case you still care about me, nasa panaganib po ang buhay ko dahil sa pagkakasangkot ko sa gulo, pero nadamay lang po ako. Ngayon nakikitira po ako sa condo unit nang isang delinquent na nag-strip sa harap ko.

Mabilis kong binura ang tinype ko. Mamaya ma-send ko pa nang tuluyan eh, mahirap na. But if I were to send it, ano kayang magiging reaction nila?

They'll be outrageous.

Napabuga ulit ako ng hangin. Kailangan pag-isipan kong mabuti ang sasabihin sa kanila nang sa gano'n, hindi sila mag-alala in case they still care.

Ako lang rin mag-isa sa unit ni Clark ngayon dahil pumasok siya. Suspended pa rin kasi ako. Nakaka-one week pa lang ako, at next week pa ko pwedeng pumasok. Miss ko na mag-aral.

 Joke! Nakakainip na kasi dito, nganga lang ako palagi maghapon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng mag-vibrate ang phone ko.

<Kyle: The hickeys you left on Clark's face are still visible! HAHAHAHAHA!>

<Chain: Ibang klase ka talagang artist Hel! LOL!>

Naalala na nila. Dalawang 'yon talaga! Gagaling mang-asar! Ayoko na ngang maalala 'yon eh!




- FLASHBACK -


"Show us how you stripped in front of Heloise before, i-reenact mo sa harap namin." Chain dares Clark.

"Are you fucking serious?" Clark asks with a deep knot on his forehead.

Chain mischievously smirks, "Yes. I'm fucking serious."

Clark drinks a whole beer bottle in one go bago tumayo. Pinatugtog pa nila ang Careless Whisper, talaga naman. Dahan-dahang hinubad ni Clark ang itim niyang tank top, winagayway ito at hinagis sa'kin.

Hmmm. Ang bango! Kahit medyo amoy alak, ang bango pa rin. My gosh, pabango ba ang pawis niya?

Tapos 'yong abs niya pa! Kainis, sobrang hot niya talaga. Ilang beses ko nang nakita ang abs niya, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit hindi pa ko masanay?

Sunod niyang hinubad ang kanyang denim jeans. Hiyawan ang mga barkada niya sa excitement. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. Hindi naman ako uminom pero nag-iinit ang katawan ko.

Tanging boxer na lang ang suot ni Clark, at nagsimula na siyang gumiling.

"How did you end up giving him hickeys if he's that stiff?" Kyle asks me, na parang hindi satisfied sa nakikita.

Isa pa si Chain, "Giling na ba 'yan? Lambutan mo naman!"

"Fuck you." sabi lang ni Mr. Stripper. Gumiling pa siya ng ilang beses bago umupo ulit sa tabi ko.

"THAT'S IT? BOO!" sigaw na naman si Xian.

Pinaikot ulit ni Brent ang bottle.

Lahat kami naghintay kung kanino ito hihinto. Masyadong malakas ang ginawang pagpapaikot ni Brent, ang tagal huminto.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon