Chapter 11 - Racers
Hell.
Hindi ang nickname sa'kin ng Phoenix, I mean it as a literal hell. Impyerno ang dinanas ko sa mga kamay ng demonyong stripper!
Sa ilang araw kong pagkakatengga dito sa condo unit ni Clark, wala siyang ibang ginawa kundi apihin ako! Pinaglinis niya lang naman ako nang napakaling condo unit niya! Para naman daw may pakinabang ako dahil pinapatira niya raw ako at pinapakain niya ako. Pinaparating niya talagang sampid ako!
Kasi naman siya 'tong maarte eh! Kapag sinasabi kong babayaran ko siya ayaw niya naman! May pera ako, at kaya ko naman siyang bayaran!
Paglinisin daw ba ako na para bang ang liit ng unit niya. Ayaw niyang ipatawag ko ang mga house keepers, gusto niyang ako talaga ang maglinis!
Sumbong ko siya kay Cole at Saint eh, binubully niya ko!
Ang arte-arte niya pa sa mga music instruments niya! Subukan ko lang daw gasgasan ang mga 'yon, humanda daw ako. Buti na lang Sabado ngayon kaya wala siya rito. May pagkakataon na ko para ipakulam siya.
Tuwing Sabado umaalis si Clark, at hapon pa ang balik niya. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Hindi ko tinatanong, hindi niya rin naman ako sasagutin for sure. At pakialam ko naman? Mas okay nang wala siya dito. No stripper around, the better.
Tinotoo rin nang Phoenix ang sinabi nila na bibisitahin nila ako rito sa unit ni Clark. Kahit papano nababawasan ang boredom ko. Tawanan lang kami palagi kapag nandito sila, tapos kakain at ako ang magliligpit, eh sobrang kalat nila! Buti na lang tinutulungan ako ni Roane at ni Kean!
Kapag nandito ang Phoenix, medyo chill si Clark sa pambu-bully sa'kin.
Isusumbong ko na talaga ang stripper na 'yon!
Tatawagan ko na sana si Saint para magsumbong nang magtext ang isa sa pinakamamahal kong kaibigan.
<Alisson: Free ka ngayon? Kakatapos ng training, kita tayo! Miss you.>
Napangiti ako. I miss her too, sila ni Charlie. Pero kabilin-bilinan ni Clark na 'wag akong aalis ng unit eh.
<Me: Di ko pa sure :( Si Charlie ba? Miss you too.>
<Alisson: Busy daw siya! Kita na tayo ples. :< >
I don't have a lot of friends, sapat na sakin si Charlie, Alisson at Luke. I don't need a lot, I only need a few na masasabi kong totoo at talagang mapapagkatiwalaan ko. Kaya nang lumipat ako dito sa Saunder, I didn't try to make friends. Well, I made one, tapos inagaw pa ang boyfriend ko.
Middle school kami naging magka-klase nina Charlie, Alisson at Luke, and we became the best of friends since then. Middle school was the best years of my life. Elementary school? Not so much. Hindi ko na kasi maalala ang elementary years ko, siguro dahil sobrang tagal na? Hindi ko na maalala kung sino ang mga naging friends ko noon o kung may naging friends ba ako. May pagka-introvert kasi ako dati, nawala lang nang makilala ko ang mga baliw kong kaibigan.
Nagkahiwa-hiwalay kami noong mag-high school. Lumipat ako sa Galax City at pumasok dito sa Saunder kahit ayaw ko. My parents want me here kaya wala akong magawa. Naiwan si Charlie at Alisson sa Langston, but on Alisson's second year, lumipat siya sa Luxford. Si Luke naman, sa England nagpatuloy ng pag-aaral dahil nag-migrate ang family nila doon.
Naalala ko pa, iyakan kaming apat noon sa airport. At hindi pa ulit umuuwi si Luke simula noon. Lalo ko tuloy siyang na-miss.
May communication pa rin naman kami sa kanya, pero madalang na lang sa ngayon. Busy na kasi kaming pare-pareho. Nakaka-miss ang middle school. Kung pwede ko lang maibalik ang mga panahon na 'yon.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Novela Juvenil(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...