Chapter 40 - Favor
Salamat kina Sumner at Kyle, nalimutan ko kahit saglit ang mga isipin. Nag-enjoy talaga akong kasama silang dalawa.
Naunang inihatid ni Sumner si Kyle, kaya dalawa na lang kaming sakay ng Range Rover niya. Lumipat na rin ako sa shotgun.
"Sumner?"
He glances over at me, but doesn't say anything.
"May I ask a favor?"
"What kind of favor?"
Humugot ako ng hininga, pati na rin ng kakapalan ng mukha. "P-pwede mo ba kong ihatid sa t-training center?"
Muli siyang tumingin sa'kin, salubong ang kilay. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Ako rin naman eh, disappointed sa sarili ko.
"Hindi ka ba nag-enjoy? Bakit kailangan mo pa siyang puntahan?"
"Nag-enjoy ako. It's all thanks to you and Kyle, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Pero kasi..." I bite my lower lip, "G-gusto ko siyang makita."
Hindi ko alam kung masokista ba ako o ano, but I really want to see Clark.
"Why? You're just gonna hurt yourself, Hel."
He has a huge point, but my heart doesn't care. "H-hindi naman ako magpapakita. I just really want to see him."
"What if don't wanna do it?"
Hindi ako sumagot.
"Pupuntahan mo pa rin siya?"
Dahan-dahan akong tumango.
Sumner sighs, surrendering. "Fine. I'll take you there."
"T-thank you."
Nag-U turn siya, at nagpatuloy ang tahimik naming biyahe. Tahimik naman talaga kapag si Sumner ang kasama, but today's silence is unsual. It's not awkward, pero mabigat ang atmosphere.
I once again thank him, nang makarating kami sa training center. Akala ko ihahatid niya lang ako, at pagkatapos ay aalis na siya, pero sinamahan niya ako sa loob.
Hindi naman ako tumanggi, dahil kahit nagpahatid ako dito, wala akong lakas ng loob na pumasok mag-isa.
Pumasok kami sa isa sa mga arena ng napakalaking training center, at umupo sa bleachers kung saan walang gaanong tao. Hindi ko balak magpakita kahit pa kay Alisson.
Agad kong nakita si Clark, na kakababa ng race car niya. Marahas niyang isinara ang pinto nito, at kahit malayo kami sa kanya, kitang-kita pa rin ang salubong na kilay niya. Basang-basa siya ng pawis, at mukhang pagod na.
Michelle is here too, tumatakbo palapit kay Clark pero itinaboy lang siya ng huli.
Alam kong hindi ko 'yon dapat ikatuwa, but I still find myself smiling. Sa kabila ng nangyari sa'min, I'm glad na hindi siya nag-e-entertain ng ibang babae.
Pero mukhang akala ko lang 'yon.
George approaches him, and he lets her. Nag-usap sila, and Clark suddenly tensed. Nang akbayan siya ni George ay nag-iwas na ako ng tingin.
Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis.
Kay Hunter na siya eh, bakit naman pati si Clark?
"You saw him. Umalis na tayo."
"O-okay." sang-yon ko kay Sumner, at saka binigyan ng huling sulyap si Clark.
George has removed her arms around Clark, and winks at him before leaving.
Nawala ang tingin ko sa kanila nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Si Sumner. "Tara na."
Tumango na lang ako at nagpahatak sa kanya.
Hanggang sa makalabas kami ng arena, hawak niya pa rin ang kamay ko. He doesn't let go, kahit nang marating namin ang tapat ng sasakyan niya.
He pulls me closer and I can only gulp in shock.
Sumner looks so serious, and not even a millisecond na hiniwalayan niya ng tingin ang mga mata ko.
"May I ask a favor too, Heloise?" His tone is so soft, like a whisper.
Napalunok na lang ulit ako. Surprised at myself, dahil nagagawa kong salubungin ang mga titig niya. "F-Favor?"
"I shouldn't be saying this..." He takes a deep breath, contemplating, but makes a decision after a long pause. "Pwede bang 'wag ka na kay Clark?"
I blink, and gulp for the third time in a span of two minutes. "A-anong ibig mong sabhin?"
"Ako na lang." Sumner steps closer and squeezes my hand. "Ako na lang ang gustuhin mo. I promise I won't hurt you."
* * *
Note: been a while! really hope to finish editing this month :3 vote and comment pls! - sm
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...