Chapter 21

901 32 3
                                    


Chapter 21 - Bribery


Nakaalis na si Luke ng tuluyan, kasalukuyan kaming nasa biyahe pabalik sa sari-saili naming schools, pero patuloy pa rin kaming tatlo sa pagsingot. Hindi na naming napigilan maiyak kanina, inisip na lang namin na babalik naman agad si Luke. We all know he won't let us down.

"I-kiss mo na lang kay Clark at iyakap sa buong Phoenix." Alisson says paghinto namin sa tapat ng Saunder Academy. Gamit niya ang kotse ng mama niya, at siyang naghatid sa'min dito at kanina sa airport. Noon pa man hilig na talaga ni Alisson mag-drive, kaya palagi siya ang driver namin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Hindi ko alam kung maki-kiss at mayayakap kita sa kanila. Nagtatampo sila sa'kin eh."

"Bakit naman?" sabay pa nilang tanong ni Charlie.

Hindi ko sinagot ang tanong nila. "Why don't you visit them now? Para kayo na lang ang kumiss at yumakap sa kanila."

Alisson smiles, "Nah, Fortnight naman next week. Makikita ko rin sila."

Sabay naming tiningnan si Charlie sa shotgun seat.

"Charlie please, 'wag kang KJ." Alisson says again, rolling her eyes.

Nginisihan lang kami ni Charlie.

Minsan akong sinama ni Alisson na manood ng Fortnight kasama ang Pyxis. Iyon ang unang beses na nakita ko si Hunter, at ang simula nang paghanga ko sa kanya. Hindi naman gano'ng kalalim na paghanga, (dahil kami pa ng ex ko noon) na-star struck lang ako na makakita na isang professional racer. Hunter did not participate in that night though, he was admirable nonetheless.

Itong si Charlie, panira. Fortnight is a street racing na ginaganap tuwing second week ng buwan, it's not allowed by the governor kaya iligal kung tutuusin ang Fortnight. And being the student journalist that she is, nagsumbong siya sa mga pulis, hindi tuloy natapos ang race.

Hinalikan at niyakap ko ang dalawang napakahalagang babae sa buhay ko.

"O sige na, papasok na 'ko. Charlie, kahit VIP ka, magparamdam ka naman minsan. Alisson, i-kiss mo na lang din ako kay Hunter at sa Pyxis."


~*~


Maaga pa naman kaya napagdesisyonan ko na puntahan ang ka-triplets ko. Dumaan muna ako ng cafeteria bago pumunta sa classroom.

Sabay pang nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa'kin.

"What are you doing here?" Sumner asks coldly.

I shrug, para itago na nasaktan ako sa tono niya. Hindi ako sanay sa cold Sumner. "Hinihintay ang ka-triplets ko. Nakita n'yo ba sila?"

"Hindi eh. Nagtatampo raw kasi sila sa'yo," sagot ni Kyle, "Akala ko ba ihahatid mo ang best friend mo?"

Nilampasan nila ko ng tingin at nag-umpisang maglakad palabas ng room.

Hinarang ko naman ang sarili ko para hindi sila makaalis. "Nasa harap na ko ng dalawang kong best friend." Inabot ko kay Sumner bubble tea, at chicken naman kay Kyle. "Pakibigay naman sa ka-triplets ko mga pogi, suhol 'yan para mabawasan ang tampo nila." Ngumiti ako inunahan sila sa paglabas.

Hinawakan ako sa braso ni Sumner, "Saan ka pupunta? May klase tayo."

"Sa sampu ko pang bestfriends." Ang dami kong best friend ha. Ako na.

"Samahan ka na namin." Si Kyle, kinuha sa'kin ang mga dala ko at pinagtulungan nila ni Sumner.

Sa wakas napansin nila na ang dami kong bitbit—mga pagkain na binili ko cafeteria kanina, in short panuhol.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon