Chapter 39 - Triplets Day
There's only a few weeks left before the race. Hindi ko na gaanong nakikita si Clark dahil palagi na siyang nasa training center.
Araw ngayon ng Sabado, kaya siguradong maghapon siya doon.
Plano ko sanang matulog maghapon pero mukhang may iistorbo.
Bumaba ako para pagbuksan kung sino man ang nag-doorbell, at sa gulat ko, tumambad sa'kin ang ka-triplets ko.
Agad akong napangiti pagpakita sa kanila.
"Sabi na nga ba ngingiti ka eh." says Kyle, a smug look on his face. His hair is dyed pink, and is wearing a pink polo!
While Sumner's wearing a pink sweater and pink pants!
"Anong trip 'yan ha?" natatawang tanong ko sa kanila.
"Tanda ang pink na triplets tayo." sagot ni Kyle, "Kaya mag-pink ka rin."
"Bakit? May pupuntahan ba tayo?"
"We'll be celebrating the Triplets Day!" malawak ang ngiting sabi niya,
Sumner smirks, "Maglalagalag tayo."
Natawa na lang ulit ako. "Maglalagalag tayo ng naka-kulay pink?"
~*~
Gaya ng sabi ni Kyle, nag-pink ako. Iyong pink skirt na hindi ko na-isuot noong concert ng Short Circuit. Mabuti pa sa kanila, ayos lang na mag-skirt ako. Hanggang tuhod ko naman eh, at hindi naman ganoon kaikli! They even said I looked cute!
Sa matte black na Range Rover kami ni Sumner sumakay. Sa backseat ako at si Kyle sa shotgun.
Akala ko sa malayong lugar kami pupunta, sa Saunder lang pala!
At dahil Sabado, walang katao-tao sa school, mga guards lang na palibot-libot.
Mabuti nga at pinapasok kami. Ah, hindi na dapat ako magtaka, dahil sa lakas ng impluwensiya ng mga pamilya ng dalawang kasama ko. Halos mga magulang nila, at ng buong Phoenix ang bumubuo sa share holders ng Saunder eh.
Deretso lang sa pag-drive si Sumner. Napakalaki talaga ng Saunder, kahit halos dalawang taon na akong nag-aaral dito, hindi ko pa rin ito nalilibot ng buo. Marami pa kong hindi napupuntahan, kung saan lang kasi ang building at room ko, doon lang ako madalas mag-lagi.
Nag-park si Sumner malapit sa south gate, at isa-isa na kamig bumaba.
Wala pa rin akong alam sa plano nilang gawin, pero sumunod na lang ako sa kanila.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa marating namin ang dulong parte ng Saunder. Bahagyang maliblib ang parteng ito ng Saunder, dahil malapit na ito sa kagubatan.
Abandonado ang ilang buildings at corridors dahil ito na ang dulo, madalang din mapadpad ang mga estudyante rito.
And to my surprise, bigla silang huminto.
Binaba nilang dalawa ang naglalakihang bag na bitbit nila at binuksan sa harap ko.
Napanganga na lang ako sa nakita ko.
Spray paints. They're all spray paints and beers in bottles and cans!
What the?!
Inabutan pa ako ni Kyle ng baseball bat, tigi-tigisa kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Подростковая литература(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...