Chapter 12 - Endgame
It's just me and the stripper again.
Hinawakan ako ni Clark sa pulso at hinatak patayo, pero binawi ko ang kamay ko at muling umupo. "Dito muna tayo, ayoko pang umuwi." Nakangusong sabi ko.
"Stop being stubborn, will you?" iritadong sabi niya.
"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Kailangan kong makalanghap ng hangin dito sa labas! Ikaw kaya ang matengga sa unit mo ng isang linggo?" Sana ba kasi kung nae-enjoy ko ang unit niya. Nganga lang ako palagi doon, "Pinaglinis mo ako, kahit ito man lang ang kapalit ng paghihirap ko." himutok ko pa with paawa effect.
Ang tagal nyia kong tinitigan. "No."
Wala rin palang effect sa kanya ang paawa effect ko.
"Edi mauna ka nang umuwi! Dito muna ko." Pagmamatigas ko. Kala niya ha.
"Gusto mo pa bang kaladkarin kita palabas?"
Ayan naman siya sa mga threats niya, kainis! "Ganito na lang," nilabas ko ang phone ko. "Laro na lang tayo, kapag nanalo ka uuwi na tayo. Kapag nanalo ko, gala muna tayo."
"Ayoko."
"Bilis na! 'Wag kang KJ!"
"Ayoko."
"Kapag nanalo ka limang pitik sa kamay ko tapos uuwi na tayo."
Ngumisi siya bigla, "Deal."
Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko. Nakakatakot ang ngisi niya! He looks like a devil! Lahat na lang dinadaan niya sa dahas! Tumingin ako sa mga daliri niya. My gosh, ang hahaba! For sure malakas siya pumitik!
"Seriously?" tanong niya nang malaman kung ano ang lalaruin namin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong masama sa Chain Reaction?"
"Too fucking easy."
Yabang! "Limang rounds, paramihan ng panalo."
Nag-start kami, ako ang red at siya ang blue.
Talo siya sa unang round. Too easy pala ha? Kinuha ko ang kamay niya. Nanliit bigla ang mga kamay ko, ang laki kasi ng kanya! Pinitik ko siya ng limang beses sa knuckles pero parang wala lang sa kanya.
Sa second round, si Clark ang nanalo. Ang tindi ng smirk niya!
Lumunok ako at pinigilang maiyak, ang lakas niyang pumitik! Sobra! Lumalagutok ang kawawang knuckles ko sa bawat pitik niya, wala siyang awa!
Hindi na ko papatalo!
Pero sa kasamaang palad, talo na naman ako. Suminghot ako para hindi tumulo ang luha ko dahil sa sobrang sakit, pulang pula na 'yong part na pinipitik niya. Tapos nakangisi pa siya.
Gaganti ako! Gaganti talaga ko! Humanda siya!
Nanalo ako pero sa fifth round na.
"Tss, pitik ba 'yang ginagawa mo?" nag-iinsultong tanong niya.
Sa inis ko, kinagat at talagang pinanggigilan ko ang kamay niya.
"Ow! What the fuck?!"
Pinaghiganti ko lang naman ang knuckles ko. I worry na baka hindi ko na magamit ang kanang kamay ko dahil sa sobrang sakit.
Inunahan ko si Clark na lumabas ng restaurant, baka kung anong gawin niya sakin eh! Kapre pa naman 'yon.
Talo ako, kainis. Gusto ko lang naman gumala, masama ba 'yon?! Ang aga-aga pa! Bakit ba ang atat niyang umuwi?
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...