Chapter 4 - Phoenix Nest
Oh. Sa Phoenix Nest pala siya pupunta. Of course, tambayan nilang Phoenix.
Sinundan ko si Clark papasok sa loob, ilang beses na rin naman akong napupunta dito eh. Kasi nga I have to be with them for my safety kaya nakikitambay-tambay ako rito minsan.
Labing dalawang upuan, labing dalawang lockers, dalawang bilyaran na may tig-isang tatak na X at Y, at mini golf field ang nasa loob nitong Nest. At air-conditioned din gaya ng mga classroom.
Umupo ako sa isa sa labing dalawang upuan, walang ibang tao kundi kaming dalawa ni Clark dahil siguradong may klase pa ang ibang miyembro ng Phoenix.
May hinalungkat na kung ano si Clark sa locker niya. PE shirt pala. "Magbihis ka na." sabi niya sabay hagis ng shirt sa'kin.
Pasimple ko 'yong inamoy. Ang bango, kasing bango ng coat niya. "Lumabas ka muna." Magalang kong utos sa kanya.
Hindi niya yata ako naintindihan dahil naupo pa talaga siya. "Mainit sa labas."
"Saan ako magbibihis?" Alangan namang bumalik pa ko sa washroom?
Sinamaan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa. "Here. Saan mo pa ba gusto?" He rolls his eyes, "Tss. I won't look. Bilisan mo, may klase pa ko."
"Edi pumunta ka na sa klase mo."
"You have my fucking coat." Iritadong sabi niya.
Oo nga pala! Init agad ng ulo. "Tumalikod ka na nga, magbibihis na 'ko."
"Tss."
Isang sleeve palang ng coat ang nahuhubad ko nang biglang bumukas ang pinto, at nagpasukan na isa-isa ang buong miyembro ng Phoenix. Kasing bilis nang kidlat na pinasok ko ulit ang kamay ko sa sleeve at muling humalukipkip.
"Hi Hel!" bati agad sa'kin ni Kyle, "What are you doing here? Kahahatid lang namin sa'yo kanina, ah?"
Hel.
Nickname nila sa'kin, masyado raw mahaba ang Heloise kaya ginawan nila ko ng sariling nickname. Okay lang naman sa'kin na tawagin nilang kong Loise dahil feeling close naman sila. Maganda rin naman ang trato nila sa'kin. At sige na nga, medyo mabait na sila.
Kung tutuusin pwede naman nila kong iwan sa ere eh. Ano naman ngayon kung gamitin ako ni Eric at ng mga tauhan nito para makapaghiganti? Pakialam ba ng Phoenix sa'kin?
Hindi naman nila ko kilala dahil bigla-bigla na lang akong hinablot no'ng Eric na 'yon. Ano kung classmate ko si Kyle at Sumner? Eh halos hindi naman nga nila ko pinapansin dati, eh.
Ayaw lang siguro nila kong madamay sa gulo nila kay Eric, kahit pa damay na talaga ko. Phoenix offers me help and gives me the privilege to stick with them para sa kaligtasan ko.
"Kayo? Akala ko pa may practice kayo?" pilit ang ngiting tanong ko.
"Tinakasan namin si coach, nakakatamad eh." sagot ni Kyle.
"Wow pre, ano 'yan? Pauso ka ng bagong porma?" natatawang tanong ni Chain kay Clark.
"Nagsolo flight ka ng basag ulo?" si Brent, nakatingin sa band aids sa pisngi ni Clark.
"I was molested." sagot ni Clark, sabay tingin ng masama sa'kin.
Napabuga ako ng hangin. Molested?! Ako ba ang tinutukoy niya?! Kapal niya! Ayaw niya ngang magpahawak, eh! Siya kaya ang humawak-hawak sakin!
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Novela Juvenil(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...