Chapter 10 - Zillionaire
Bumalikwas ako ng bangon.
Wrong move dahil biglang pumintig ang ulo ko.
I look around.
Gaya ng dati, nasa loob ako ng unit ni Clark at nakahiga ako sa komportableng sofa niya.
I take a deep breath because of the dream I just had. Nakipag-away daw ako sa cute na stalker ni Clark? I want to laugh. Hindi naman ako nakikipag-away, eh. Pwera na lang kung talagang kailangan.
In that dream, gusto ko pa raw halikan si Sumner matapos niya akong tulungan. To be honest, I think Sumner's really hot pero hindi ko naman gagawin sa kanya 'yon! Nakakahiya, bakit ba nanaginip ako ng ganoon? Mabuti na lang panira pa rin si Clark kahit sa panaginip.
Hindi lang 'yon, pinatawag pa raw kami ni Chelsea sa office ng principal. I learn too, that Chelsea is Chain's cousin. Weird, right? Suspended daw dapat kami ng one month pero dahil kay Saint, naging two weeks lang ang suspension namin.
It feels so real. Mabuti na lang at panaginip lang 'yon.
Tumayo ako at pumunta sa bathroom para makapaghanda nang pumasok.
Aabutin ko palang ang door knob ng bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Clark na sobrang fresh, at tanging tuwalya lang ang suot. My eyes automatically land on his abs. Hindi na ako nag-abalang tumalikod pa, kailangan kong sanayin ang sarili ko. Hindi ako dapat mailang sa kanya.
Clark smirks, fully aware that I'm admiring his body, bago ako nilampasan at pumanik na sa taas.
Naiiling akong pumasok ng bathroom.
Pagtingin ko sa salamin, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Ang dami kong gasgas sa katawan... doon mismo sa lugar kung saan ako pinagkakalmot ni Chelsea sa panaginip ko. May mga band aid iyong iba, band aid na si Sumner at Clark ang naglagay.
I look like a freaking mess! Except, hindi na ko naka-uniform. Nakasuot na ako ng super laking white shirt at grey na jersey shorts.
No no no no no.
It can't be!
Panaginip lang lahat 'yon di ba?
My gosh! Ano na naman bang katangahan ang ginawa ko?
Nakayuko at dahan-dahan akong lumabas ng bathroom.
All set and ready to go na si Clark.
"Suspended ba 'ko?" tanong ko sa kanya.
"What do you think?" sagot niya habang nakangisi.
Lumabas na siya pagkatapos.
Nakakainis!
Napasabunot naman ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganoon kapag nalalasing ako?
Kung totoo lahat 'yon... paano na?
Paano ko haharapin si Sumner nito?!
Nakakahiya!
Pero kasi, sila naman ni Kyle ang may kasalanan 'di ba? Pinainom-inom nila ko ng beer eh!
~*~
"You should not have come here Hel." sermon sa'kin ni Sumner. "Nagpasundo ka na lang sana."
"I AM SO SORRY." sabi ko sabay yuko ng 90 degrees.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Novela Juvenil(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...