Chapter 24 - Pyxis, Polaris, Phoenix
"Hope on the street!" sigaw ng kung sino mula sa maraming taong manonood ng Fortnight, kasabay nito ang sigawan ng mga kababaihan, kahit pa ng mga kalalakihan.
Isa lang ang ibig sabihin nito...
Nandito na si Hunter, si Alisson at ang Pyxis!
"Loise!" narinig kong sigaw ng pinakamamahal kong kaibigan mula sa hindi kalayuan.
"Alisson!" tumakbo ako palapit sa kanya at nagyakapan kami na para bang hindi kami nagkita noong isang linggo.
Sa paligid naman namin ay umulan ng fist bumps, cool smiles, what's up nods, at man to man hug sa pagitan ng tatlong grupo. Nagsama-sama ang leader line, youngest line, maging ang Casanova line ng Pyxis, Polaris at Phoenix.
Nagkatinginan na lang kami ni Alisson at sabay na nagpaikot ng mata. Kung titingnan sila ngayon, parang wala talagang sigalot na nangyari sa pagitan ng mga grupo nila. Lalo na sa magkapaid na cool na cool lang habang nag-uusap, while probably silently judging their friends.
Nakita ko naman ang halos magpasikat sa umagang ngiti ni Hunter nang magtama ang paningin namin.
"Loise, I heard you were sick. Okay ka na ba?" sabi niya agad paglapit niya.
"Okay na." Ngumiti ako sabay taas ng dalawang thumbs. Nag-alala kaya sa'kin si ex-crush? Isipin ko pa lang 'yon, gusto ko nang kiligin. Pero syempre hindi na pwede, may love team na siya at hindi ako 'yon.
My jaw drops when Hunter suddenly pulls me into a gentle hug. "Good. Stay healthy, Loise."
"Y-yeah, I w-will." Nautal na naman ako! Hindi pa rin yata tuluyang nakaka-move on ang puso ko sa kanya. Kasai naman, super mega crush ko talaga si Hunter. I'm his certified fangirl! Hindi totoo ang mini crush na sinabi ko noon.
Masama ba kung gusto ko ulit siyang yakapin?
~*~
The race is about to start, pumuwesto na si Clark sa sasakyan niya. Masama na naman ang timpla ng mukha niya, bad mood na naman yata. Palagi naman siyang parang bad mood at galit sa mundo eh. Hay. Sinasayang niya ang baby face niya eh! Ang dapat sa kanya, palaging nakangiti at nakatawa, pero kabaligtaran ang ginagawa niya.
Full support ang Phoenix kay Clark, lahat sila dito pumusta. I haven't seen him race yet, but I trust him. Kaya nakipusta na rin ako sa kanya.
Tatlo lang din magkakarera ngayon kaya mas malaki daw ang magiging premyo.
"Clark, tangna 'wag mo kaming bibiguin!"
"Nakasalalay ang pera namin sa'yo! Lalo na ang pera ni Saint!"
"May kaltok ka sa tenga pagnatalo ka!"
Sunod-sunod na sigaw nina Chain, Roane at Xian.
Napa-facepalm na lang si Clark sa loob ng kotse niya. He gives them the finger na lalo lang tinawanan ng mga barkada niya.
Pumagitna ang super sexy na babae na nakasuot nang super sexy at revealing na damit sa tatlong kotse, itinaas ang maliit na black and white checkered flag na hawak niya.
"Witwit! Sexy!" sigaw ni Kyla, kaya binatukan siya ni Kean. Magsasalita rin sana si Chain, pero mukhang natakot na rin sa tingin ni Kean kaya nanahimik na lang ito.
Oras na ibaba ng babae ang flag, humarurot na ang tatlong sasakyan.
Lihim ako nagdasal na sana 'wag maging KJ ngayon si Charlie. And based on Alisson's expression, alam kong ganoon din ang dasal niya.
~*~
"Boo, boo!" pabirong salubong ni Alisson kay Clark, sigawan ang mga tao dahil tapos na ang race. "Hindi kasi ako kasali kaya ikaw ang nanalo!"
"Congratulations bro, you finally made it!" sabi naman ni Jackson, hinawakan pa sa balikat si Clark. "Parang kailan lang kulelat ka pa. Naalala mo pa? How you ate my dust?"
"Yeah, I remember. Thanks for reminding, asshole." sarkastikong tugon ni Clark, na nakapagpahagalpak ng tawa kay Jackson.
"Jackson shut up." reklamo ng tatlong grupo. Kahit mismong barkada niya, nagrereklamo sa kanya.
~*~
We're back again in Clark's red sports car. Napipikit-pikit na ako sa antok dahil almost five A.M. na.
"I wanna listen to Green Day..."
Mabilis akong napadilat sa napakalakas na tugtog.
Tiningnan ko siya ng masama, "Pakihinaan naman please!"
Hindi niya ba nakitang inaantok na ako? Katabi niya lang ako!
"Matutulog ka? Bawal." Ngumisi lang si Clark at lalo pang nilakasan ang volume.
Napabuga na lang ako ng hangin sa inis. Ano na naman bang problema niya? Nagsusungit na naman! Ayaw niya bang matuluan ko ng laway ang mamahalin niyang kotse kapag nakatulog ako? Hindi naman kaya tumutulo ang laway ko—minsan lang! Iyong sofa niya nga kung saan ako natutulog, walang kahit anong bakas o amoy ng laway do'n!
Itinuon ko ang atensyon sa labas. Natatanaw ko na ang building ng condo niya. Malapit na kami, makakatulog na ako.
Pero nagkamali ako dahil bigla na lang iniliko ni Clark ang sasakyan.
"May pupuntahan ka pa ba? 'Wag mo na kong isama. Inaantok na ko." Naiinis na sabi ko.
"Nagugutom ako. Kakain tayo."
"Ikaw na lang. Hindi ako gutom, gusto ko nang matulog." pakiusap ko. Bibigay na ang mga mata ko any minute.
Hindi niya ako pinakinggan, nag-park pa talaga siya sa McDonalds.
"Mag-drive thru ka na lang." pakiusap ko ulit pero wala pa rin. Binuksan niya ang pinto sa side ko at hinatak ako papasok sa loob.
Kainis talaga!
Walang ibang tao sa McDo, kaming dalawa lang ang cutomer kaya mabilis pag-order. Wala man lang siyang konsiderasyon! Hindi man lang ako pinaupo, sinama pa talaga kong mag-order sa counter. Walang awa!
Kahit pipikit-pikit na ang mga mata ko, kitang-kita pa rin ang malagkit na tingin ng babae sa cashier kay Clark. Hindi ko siya masisi, napakagwapo naman kasi talaga ni Clark.
"Enjoy your meal Sir!" pa-cute pang sabi ng babae pero hindi siya pinansin ng stripper. At 'sir' lang talaga? Paano ko? Hindi niya ba ako nakikita?
Para na rin naman akong nababangag sa antok, kaya inangkla ko ang braso ko kay Clark at nginitian ng matamis ang babae.
Nawala naman agad ang ngiti niya. Inirapan pa ako!
Kung alam niya lang, stripper ang lalaking pinagpapa-cute-an niya!
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...