Chapter 16

972 44 3
                                    


Chapter 16 - Family


Laking pasalamat ko na lang dahil sobrang bait ng parents ni Clark. Ilang beses nila kong pinuri at sinabihang ang ganda at cute ko raw. Ang bait talaga nila!

Nasa dining hall kami ngayon, nagtatanghalian. Ang daming pagkain, parang pang five star restaurant!

"What's the reason nga ba, hija? Why are you staying at Clark's condo? Are you his girlfriend?" tanong ni Mrs. Anderson. Napakaganda niya pa rin kahit medyo may edad na. Sa kanya kumuha ng mukha ang magkapatid.

Hindi naman nagulat ang mga magulang ni Clark nang malaman nilang may pinapatirang babae ang anak nila na sa condo unit nito. Honestly, ang akala ko magagalit sila.

Alanganin akong ngumiti, "Ay hindi po. H-hindi ko po boyfriend si Clark."

Tumaas ang kilay ni Ate Yassie. She keeps on insisting me to call her Ate, masyado raw kasing formal ang miss. "Umamin ka nga Heloise, anong ginawa ng Phoenix sa'yo? Are they threatening you? Bullying you? May ginagawa ba silang masama sa'yo?"

"Wala po! Mabait po ang Phoenix sa'kin." I answer honestly as I wave my both hands.

"Then why do you have to stay in my brother's unit?"

Tumingin ako kay Clark, it's to ask him silently kung pwede kong sabihin sa family niya ang dahilan kung bakit kailangan kong makitira ng pansamantala sa kanya. He just nods kaya ipinaliwanag ko ito sa pamilya niya.

"Really hija?" natutop ni Mrs. Anderson ang bibig niya nang matapos ako.

"We can get you a body guard." Mr. Anderson suggests. Sa kanya naman kumuha ng height ang mga anak niya, pati hugis ng mukha. Kahit may katandaan, napaka-gwapo pa rin ni Mr. Anderson. Bukod sa apelido, halatang may lahi siyang western.

Magsasalita sana ko pero naunahan ako ni Clark, "No need Dad, me and the boys can protect Loise."

"Iyon naman pala. Hindi mo na kailangan ng body guard, nandyan naman pala ang anak ko at ang mga kaibigan nya." saad ni Mr. Anderson, tiwalang tiwala sa anak niya at sa buong Phoenix.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin, ang dami na siguong naka-away ng Phoenix na mas malala pa kay Eric. And there's Pyxis na matagal din nilang naka-away, pero sa pagkaka-alam ko ay ayos na sila ngayon. Hindi biro ang grupong 'yon. They are like the Phoenix of Luxford Academy, but with only seven members.

"Pasaway lang sila minsan, pagtiyagaan mo na lang ha, Heloise?" dugtong ni Mrs. Anderson.

"Minsan?" nakataas ang kilay na tanong ni Ate Yassie. Kaya ayun, nagsimula na naman silang magbangayan ni Clark.

"Maiba ako Heloise, alam ba ito ng mga magulang mo? Ayos lang ba sa kanila? Siguradong nag-aalala sila sa'yo." asks Mrs. Anderson worriedly.

Napatigil ako sa pagkain. I try to smile, but I fail. "I don't think they still care about me."

Sa sinabi ko, maging sila ay napatigil sa pagkain.

"Heloise hija..." says Mrs. Anderson with an apologetic look.

"Nasa England po ang parents ko at lahat po ng kamag-anak ko. Wala po silang alam sa sitwasyon ko. Kahit pa sabihin ko sa kanila..." humugot ako ng hininga para pigilan ang pag-iyak. "I just don't think they care, Mrs. Anderson." I manage to finish as a single tear escapes my eyes. Agad ko itong pinunasan. Ang alam lang ng pamilya ko ay ang padalan ako ng pera.

"You should tell them still. Magulang mo pa rin sila, I'm sure they care." Mrs. Anderson says with a warm and caring smile.

Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain. Hindi na sila nagtanong pa. I feel bad for making the atmosphere heavy.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon