Chapter 14

995 35 3
                                    


Chapter 14 - Drunk Boys


The Phoenix Way?

Ganito pala ang way nila.

Inuman maghapon na sinabayan ng sobrang ingay na music.

Unang beses ko silang makitang ganito, ang magwala at mag-party. They look wild, but normal. Like normal boys partying hard.

I check my watch.

It's almost midnight.

Kanina pa kaming 3 PM dito at nagsimula na agad silang mag-inuman no'n, kaya para na silang mga baliw ngayon. Pinipigilan ko nga sila dahil baka paglabas namin dito lusaw na ang atay at bato nila pero hindi daw sila titigil hanggat hindi sila nalalasing.

Ako? Nganga. Pinapanood ko lang sila, nakikikain ng masarap na pulutan. Ayokong ngang uminom! Ipapahiya ko lang ang sarili ko sa kanila.

Then tuwing mauubos ang mga beers at wine dito sa loob, may super sexy na babae na nakasuot ng super sexy na outfit na papasok dito at magbibigay ng bagong batch ng mga inumin, minsan makikisayaw pa sa kanila.

Kaya siguro binibilisan nila ang pag-ubos ng beers.

"HAWAK KAMAY, DI KITA IIWAN SA PAGLAKBAY. DITO SA MUNDONG WALA KATI—HIK—YAKAN. HAWAK KAMAY... DI KITA IIWAN SA—HIK PAGLALAKBAAYYY~~~ SA MUNDO NG KAWALAN." Birit ni Chain, nakikibirit rin si Troy.

Kahit mga bangag na sila, hindi ko inakala na may ibubuga pala ang mga boses nila. Kumakanta-kanta rin minsan si Saint, Roane at kahit si Kean!

Iba naman ang trip ni Kyle na kanina pa sumasayaw. Ang lambot ng katawan niya! My gosh, para siyang dance machine! Nakikisabay-sabay rin si Chain sa pagsayaw niya pero 'wag na nating pag-usapan ang talent ni Chain sa pagsayaw. Sa pagkanta na lang.

Hindi man lang ako na-inform na bukod sa pakikipagbugbugan, may ibang talent pa pala silang tinatago.

"HEL INOM NA!" sigaw ni Xian na akala mo ba ang layo namin sa isa't isa, inabutan pa ko ng isang bote ng beer.

Kanina niya pa ako pinapainom at kanina ko pa rin sya tinatanggihan.

"It's alright Heloise, don't worry about embarrassing yourself in front of us, since we are all embarrassing ourselves right now in front of you. Pantay-pantay lang tayo." Saint says, tinuro pa si Kean na tuluyan ng bumirit, ginamit pang microphone 'yong bote ng beer niya.

Ang taas at ang ganda ng boses niyaaa!

"We're all wasted anyway, you should drink. Minsan lang naman 'to, and it's Lane's birthday." says Cole, tinuro si Lane na nahihimbing na sa sahig. Dahil sa floor kaming lahat nakaupo at ginawa lang naming sandalan ang sofa.

Nilagay pa ni Brent ang panibagong bote ng beer na hawak niya sa kamay ko, "One bottle's not gonna get you drunk, Hel."

"Yes it will." giit ko, binalik sa kamay niya ang bote.

"We all want to see you drunk though. Kahit sa harapan ko na lang pala. Ako na lang naman sa X ang hindi pa nakakita sa'yo." Troy says in a very sexy way, kumindat pa!

Binato siya ng sapatos ni Chain, "Anong sa'yo lang? Paano naman kami sa Y?"

Natawa na lang ako sa kanila.

"You should all shut the fuck up." biglang sabi ni Clark, tumabi siya sakin at siya ang uminom ng mga beer na pilit pinapainom sa'kin ng mga barkada niya. "Kayo ba ang mahihirapan kapag nalasing siya? Of fucking course not! She's going to be my fucking burden!"

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon