Chapter 27 - Short Circuit
"You look so perfect standing there,
In my American Apparel underwear,
And I know now, that I'm so down.
Your lipstick stain is a work of art,
I got your name tattooed in an arrow heart,
And I know now that I'm so down!"
Sigawan kaming lahat ng matapos ang huling kanta. Grabe, ganito pala ang feeling kapag nasa isang concert! Sobrang nag-enjoy ako. Sobrang saya. Kung sana lang sumama ang dalawang best friend ko, I know they would enjoy it as much as I did.
Dahan-dahang umupo si Clark para makababa ako. Buong concert hindi niya ako binitawan. Hindi naman daw kasi siya nangangawit. Wala din namang gaanong tao sa likod namin, kaya ayos lang kahit nasa nakasakay ako sa balikat niya sa halos dalawang oras na concert.
"You should eat more. Ang gaan mo."
"Ha?" hindi ko siya gaanong narinig dahil malakas pa rin ang sigawan ng mga tao.
"Tsk, wala."
"Excuse me? Pwede magpapicture?" sabi ng isa sa mga babaeng lumapit at nagkumpulan sa'min.
Wala na sa stage ang Short Circuit kaya itong gwapo sa tabi ko na ang pinagkakaguluhan nila.
"Ang gwapo-gwapo mo kasi kuya eh! Ang tangkad pa!"
"Fan ka rin ng Short Circuit?"
"Are you a model?"
"Sikat ka rin siguro?" Sunod-sunod pang tanong nila.
Inabot pa sa'kin ng isa ang phone niya, "Pwede paki-picture-an kami?"
Ngumiti ako. "Sige—"
"Ayoko." Masungit na sabi ni Clark, binalik niya sa babae ang phone at sinamaan ng tingin ang mga kasama nito.
Hinatak niya naman ako palayo.
Akala ko sa'kin lang sya nagsusungit! Sa lahat pala! "Para picture lang eh. Sungit mo talaga—oy, bawal tayo dito!" Paano ba naman, dire-diretso siya sa backstage!
And to my surprise, hindi kami hinaharang ng mga staff at martials. Hala. Na-star struck ba sila dito kay Clark?
Hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto na tingin ko ay dressing room.
Napanganga na lang ako nang tumambad sa'kin ang medyo pawis pang Short Circuit.
Nakahubad pa si Vane, ang pinaka-cute na drummer. Bago ko pa matitigan nang mabuti ang abs niya, may tumakip na sa mata ko. Sa haba ng daliri, alam ko nang si Clark 'yon.
"Bro, kumatok ka naman!"
"Congratulations. It was a great performance." Clark says, inalis na ang mga daliri sa mukha ko.
At may damit na si Vane.
"Sinabi mo dapat na manonood ka. Special mention ka sana." says Chance, ang lead guitarist.
"That's why I didn't tell."
"Bumuo na rin kasi kayo ng banda ni Lane." says Shin, Chance's twin and the bassist.

BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...