Chapter 18 - Best Friend
"Salamat!" I say cheerfully to Clark. I choose to thank him today dahil good mood ako, then I climb out of his car and sniff the fresh air of our school. Madaming puno at halaman sa Saunder, kaya hindi gaanong polluted ang hangin.
I've missed this!
Hahakbang na sana ko nang bigla akong hatakin ni Clark sa braso, nakababa na rin pala siya ng sasakyan.
"Dala ko ang earphones ko." sabi ko sa kanya.
"Anong oras ang last class mo?" He asks boringly as usual.
Dalawang linggo lang akong hindi pumasok nakalimutan na niya! At mukhang may balak yata siyang isabay ako pauwi. Well, wala rin naman siyang choice. "Five PM!"
Binitawan niya 'ko at muling pumasok sa kotse niya. Inusukan pa ko! Amp!
Pagpasok ko ng room, ahas agad ang nabungaran ko. Sa dami ng pwedeng bumungad bakit siya pa?
Ang sasama rin ng tingin ng mga classmate kong babae sakin. Hindi ba nila ko na-miss? Ang tagal kong nawala! Ang ka-triplest ko lang yata ang naka-miss sa'kin. May practice kasi ng baskteball kaya wala ulit sila ngayon.
"Nakabalik ka na pala." says Lacey aka the snake.
Nginitian ko siya at umupo sa pwesto ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at mabibigat ang hakbang na pumunta sa harap ko. "Ano bang problema mo? Nagyayabang ka dahil nadidikitan mo ang Phoenix?" ubod ng taray na tanong niya, nakataas pa ang isang brown niyang kilay.
Ngumiti lang ulit ako. "Wala akong problema. Salamat sa concern."
Babanat pa sana siya pero dumating na ang teacher namin, pinaupo pa si Lacey dahil siya lang ang nakatayo. Medyo napahiya siya kaya pinigilan kong tumawa.
Nagsabi lang ng pointers to review ang si Ma'am at pinalabas na kami. Medyo nagimbal nga ako dahil dalawang linggo akong nawala! Ang dami kong na-missed na lessons.
Pero ang sabi naman ng mga teachers ko, ise-send daw nila sa'kin ang mga na-missed na lessons at quizzes ko via e-mail para makahabol ako. Bait nila sakin! Dahil 'yan sa malakas na impluwensya ni Saint. Ang taray ng beauty ko.
Dahil nga maaga kaming pinalabas, ang dami kong free time! Mapuntahan nga ang ka-triplets ko sa gym. Papanoorin ko na lang silang mag-practice.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan papunta sa gymnasium nang may bigla na lang bumunggo sa'kin.
"Hi Loise." sabi no'ng lalaking nakabunggo ko. He's smiling huge, halos hindi ko na rin makita ang singkit niyang mga mata.
"Lucas Yoo?!" halos isigaw ko sabay damba ng yakap sa kanya. "I've missed you so much! Ikaw ba talaga 'yan?! Kailan ka pa nakuwi?! Bakit 'di mo 'ko in-inform?! Paano ka nakapasok dito?! Nakakaintindi ka pa ng tagalog?! Ang gwapo mo na!"
Ang tanging lalaki sa grupo namin, na nag-migrate sa England, ay nakatayo sa harap ko ngayon.
Ang gwapo-gwapo ni Luke! Noong nasa middle school pa kasi kami, medyo nerd at parang mahiyain pa siya. Pero ngayon, heartthrob na ang dating niya! Mas lalong siyang naging gwapo! Tumaas din siya ng ilang inches, lalo tuloy akong nanliit.
"Isa-isa lang Loise." Luke chuckles as he hugs me back.
"Sorry! Namiss lang kita ng sobra."
"I've missed you, too. It's really me. Kahapon lang ako nakauwi. Nakapasok ako dahil may kakilala akong teacher dito. Nakakaintindi at nakakapagsalita pa rin naman ako ng Tagalog."
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...