Chapter 32

898 31 1
                                    


Chapter 32 - Stress Reliever


My gosh, ang grand at ang sophisticated pati loob ng villa! Well, ano pa bang aasahan ko, labas pa nga lang napakaganda na eh.

Hinatid pa kami ni Mirae ng isang maid papunta sa kwarto namin. We decide na mag-share na lang dahil sobrang laki naman talaga ng bawat kwarto, nalaman ko din na hindi pala siya nakakatulog mag-isa.

Matapos naming mag-ayos ng gamit, nahiga na kami sa napakalambot na king-sized bed.

"Tingin mo may CCTV dito?" Mirae suddenly asks. 

"CCTV? Wala naman siguro." Natatawa kong sagot.

Tumayo siya at ni-lock ang pinto bago ngumisi, "I-send mo na sa'kin ang stress reliever mo."

Lalo akong natawa. Kinuha ko ang phone ko sa bag at pinasa sa kanya 'yong video ni Kean. 

Tawa kami ng tawa lang kami nang tawa. 

Naistorbo lang kami nang mag-vibrate ang phone niya. Tumawag si Kyle, pinapalabas siya.

"Ano na namang kailangan ng unggoy na 'yon?" She sighs, "Puntahan ko lang saglit ha. Iiwan ko phone ko." Paalam niya bago lumabas, sending pa rin kasi ang mga videos. 

Kahit ilang beses ko nang napanood at inulit itong mga videos, natatawa pa rin ako.

Maya-maya lang may kumatok na sa pinto. Baka si Mirae na 'yon, sandali lang naman daw siya eh.

Pero pagbukas ko ng pinto, hindi si Mirae ang nabungaran ko kundi isang stripper.

"Clark? Anong—"

"I heard you laughing. I saw Mirae went out earlier. Are you with someone o tumatawa ka talagang mag-isa?"

"Uhm... ano... hindi ako tumatawa, baka multo 'yon." Hindi talaga ako magaling magpalusot.

"I heard you, it's your laugh. Alam ko." seryosong sabi niya.


"HAWAK KAMAY, DI KITA IIWAN SA PAGLAKBAY. DITO SA MUNDONG WALA KATI—HIK—YAKAN. HAWAK KAMAY... DI KITA IIWAN SA—HIK PAGLALAKBAAYYY~~~ SA MUNDO NG KAWALAN."


Sabay pa kaming napalingon sa phone kong nasa kama.

Nanlaki ang mga mata ni Clark, "Was that...?"

Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinago ito sa likod ko.

Napalunok ako nang unti-unting humakbang si Clark papasok. "You filmed us? How dare you." Matatakot na sana ako, kung hindi ko lang na-sense ang kalokohan sa warning niya. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang paglalaro sa mga mata niya.

Peke rin ang pagkunot ng noo niya. Alam ko ang kunot ng noo niya kapag talagang galit siya. 

"Give that to me, now."

"A-ayoko nga! Wala ka namang video dito eh! Hayaan mo na sakin 'to. Remembrance!"

"Gusto mo pa bang kuhanin ko nang sapilitan sa'yo 'yan?"

"Kung makukuha mo." Binelatan ko siya sabay takbo palabas.

Syempre hinabol niya ako. Ang bilis niya palibhasa mahahaba ang biyas eh!

Lumabas ako ng villa at dumiretso sa garden habang nakasunod pa rin sa'kin ang stripper. Wala yata akong balak patakasin!

"Yah! Magdahan-dahan ka nga! Kapag ikaw nadapa, Heloise! I fucking swear!"

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon