Chapter 5 - Rain
Isang linggo na ang lumipas at walang araw na hindi nila kami inaasar o kinakantiyawan ni Clark.
Lalo pa tuloy kaming naging awkward ni Clark! Tuwing makikita na lang ako ng Phoenix, bibigyan nila ko ng makahulugang tingin. Kainis! Lalo na si Kyle, ang dalas ko kaya silang kasama ni Sumner. Buti na lang si Sumner hindi ako inaasar.
Sa totoo lang, mga simpleng estudyante lang pala ang Phoenix... na mahilig lang talaga sa bugbugan. Kung paano sila nakakalusot sa mga gulong ginagawa nila? Nasabi ko na dati, pamilya nila ang bumubuo sa shareholders nitong Saunder, isa sa tatlong pinaka-tanyag na paaralan dito sa Galax City.
The twelve of them belong to the elite, most powerful families in the country. Maliban sa Saunder, may iba't ibang pang malalaking business and companies ang mga pamilya nila.
Hindi naman ako binu-bully ng Phoenix, pinagti-tripan lang nila 'ko minsan. Pero ang lakas nila man-trip! Nag-strip ba naman silang lahat sa harap ko! Alam na kasi nila 'yong ginawang pags-strip ni Clark sa'kin kaya gusto daw nilang i-try. (Natira naman ang mga boxer nila, 'wag kayong ano dyan)
Mga baliw nga eh! Pinagpawisan kaya ako ng sobrang lamig! Naubos din yata ang laway ko no'n dahil nakailang lunok ako. Hay lang! Pero oo na, sige, aamin na ko, busog na busog talaga ang mga mata ko. Gusto ko ngang kumain nang kanin no'n dahil ang daming ulam, eh.
AT! Strip lang talaga ang nangyari ha, wala nang mas malalim pa do'n. Strip lang talaga.
Imagine, iyong inaasam-asam ng mga babae dito sa Saunder, nakita ko na lahat? Ang swerte ko naman yata. Ako na ang blessed!
Kaya nga...
Ang dami ko na agad haters! Iyong mga babae kung makatingin sakin, parang pina-plano nang wakasan ang buhay ko eh. Paano nga kasi dumidikit ako sa Phoenix, tapos ang dalas ko pang kasama si Kyle at Sumner.
"Fifteen minutes na, wala nang klase n'yan." sabi ni Kyle sabay tayo.
Sinundan siya ng tayo ni Sumner. "Hel, let's go."
Kahit hindi ko lingunin ang mga classmate naming babae, alam kong sinasamaan nila ako ng tingin! "Maghintay pa tayo saglit... mamaya biglang dumating si Sir, eh."
Ang bait kong estudyante.
Sabay pa silang napasimangot bago umupo ulit. At least, good influence ako sa kanila.
Naghintay pa kami ng another fifteen minutes. Dahil wala pa rin si Sir, hinatak na ko ni Kyle patayo. "Tara sa cafeteria. Gutom na ko."
Libre na naman ako ng pagkain! Hindi naman sa gusto kong maging palamunin lang nila, ayaw nila kong pagbayarin eh, sila na daw ang bahala.
Tao lang naman ako na tumatanggap lang ng libre, hindi ko naman sila pinipilit. They volunteer! Mas masarap kaya ang pagkain kapag libre!
Pagkatapos namin sa cafeteria, nagpunta naman kami sa football field. Practice game pala ng football team kung saan Team Captain si Roane! Ganda niya talaga!
"Yo, dito!"
Napalingon kaming tatlo sa sigaw ni Saint, he's raising his hands and motioning us to sit with them. Nandito pala ang buong Phoenix, nanonood.
"Hel, dito ka na maupo." Chain offers with a mischievous grin, tumayo siya para ako maka-upo ako sa seat niya... na katabi ni Clark. Kundi ba naman nanadya eh.
Tatanggihan ko sana siya, pero pakiramdam ko ang arte ko. Ang dami pang mga babae na nakatingin sa'min, sabihin pa nila ang choosy ko. Ano naman ngayon kung makatabi ko si Clark? Nakalimutan ko naman nang nag-strip siya sa harap ko. No biggie.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...