Chapter 23

983 41 14
                                    


Chapter 23 - Special Friend


"Excuse me." sabi ni Lacey, binunggo ako.

Tumapon tuloy lahat ng mga pagkaing dala ko. Gusto kong manlumo. Sayang! "Ano bang problema mo Lacey?" I snap. Kakalimutan ko muna ang pagiging animal lover ko, sumosobra na siya eh.

Tinaas niya ako ng kilay, "Ikaw? Ano bang problema mo? Bakit palagi ka na lang dumidikit sa Phoenix?"

Mula sa likod niya, may dalawa pang babae na nakisali sa amin. I think they are Lacey's new found friends.

"Ano ka ba ng Phoenix? Bakit ba palagi mo silang dinidikitan? Layuan mo nga sila! 'Wag kang feeler! Asungot!"

"You're not their friend right? Kaya pwede naming gawin ang kahit ano sayo."

Hindi ko pinansin ang mga kaibigan niya. Bumuga ako ng hangin at tiningnan ng mabuti si Lacey. "Nasayo na siya 'di ba? Naagaw mo na siya. 'Wag mo na kong guluhin."

Bakit ba kasi nage-exist pa ang mga kontra bidang tulad niya?

Sa gulat ko hinatak niya ang buhok ko, bago malakas na itinulak. Bumagsak ako paupo sa tiled floor ng cafeteria, kasama ng mga natapon na pagkain sa tray na dala ko.

"Excuse me, hindi ko siya inagaw. Siya ang kusang lumapit sakin." natatawang sabi niya, nakitawa rin pati mga kaibigan niya.

Pinalibutan na kami ng mga tao sa cafeteria. Gusto yata talaga nilang gumawa ng eksena eh. Gusto ko lang namang ibili ng pagkain ang Phoenix para makabawi sa kanila. Ngayon na nga lang ulit ako nakapasok matapos ang ilang araw na pagkakasakit, tapos ganito pa ang sasalubong sa'kin?

"Alam namin ang issue na nangyayari sa inyo. Ayaw na nang Phoenix sa'yo 'di ba?"

"Dahil ba sa boyfriend mong British accent?"

"Hindi ka na nga kinakausap nina Kyle at Sumner, right?"

Gusto ko na lang mapakamot ng ulo. Saan ba nila nakukuha ang mga balitang 'yon?

"Huli na kayo sa balita." narinig kong sabi ni Kyle mula sa likod ko. Kasama niya ang buong Phoenix.

Tinulungan naman akong makatayo ni Sumner.

"Who the fuck did this to you?" Clark asks, his face and voice looks and sounds scary.

Nagtago agad ang mga bagong kaibigan ni Lacey sa likod niya. Lahat sila mga namumutla.

"Tsk, tsk. Ayoko sa lahat ang makakita ng sayang na pagkain." Kean says, glaring at Lacey and friends. "Kainin n'yo 'yan."

"Like hell we're gonna do that! Duh?!"

"She's not your friend, right? Kaya tama lang ang ginawa namin sa kanya!" reklamo nila with teary eyes.

Gusto ko sanang magsalita pero tiningnan ako ng masama ni Clark.

Okay, shut up na lang ako.

"Kung hindi n'yo kakainin 'yan, pwede na kayong umalis dito sa Saunder." Saint says, smiling sweetly.

"Or if you want, we can just make your lives a living hell." Cole warns with a smirk.

"Everyone, listen up." sabi ni Saint sa mga estudyanteng nanonood at nakapalibot sa'min, pumuwesto siya sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Heloise is a very special friend of ours. Whoever messes with her, messes with us. Understood?"

Mabilis na tumango at sumagot ng 'opo' ang mga estudyante, kahit kasi kalmado lang ang boses ni Saint, bakas pa rin ang pagbabanta sa tono niya.

And why is this scene so familiar? Parang de javu?

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon