Chapter 29 - Smile
"Hi!"
Nakangiting mukha ni Mirae ang nabungaran ko nang iangat ko ang tingin ko.
"Hello!" I say smiling back.
Nitong mga nakaraang araw, palaging kaming magkasama. Naging friends na kami! Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. She's super cute and super kind!
Nandito pala siya for vacation, and she's gonna stay here for a month. Tinanong ko rin siya kanina about sa friend niya na naalala niya sa'kin, and she says magkukuwento raw siya kapag ready na siya. Hindi na ako nagtanong ulit tungkol doon kahit curious ako. Kakakilala pa lang namin. Ayokong maging demanding friend, at ayokong ring lumabas na tsismosa.
At dahil nga close na kami, I show her my stress reliever. Gano'n na kami ka-close! Nag-promise naman siya na hindi niya ipapaalam na meron ako noon eh. Dahil 'pag nalaman 'yon ng Phoenix, siguradong goodbye stress reliever na. Ang birit lang naman ni Kean ang gusto niya. Ipang-b-block mail niya raw. Hindi ko pa lang ma-send sa kanya, dahil kailangan naming gawin 'yon kapag wala ang Phoenix sa paligid.
"Nandito ka na naman Mirae?" reklamo ni Kyle, palagi silang nag-aaway na dalawa. Ang cute nga panoorin eh.
"Pake mo? Hindi ikaw ang pinunta ko dito! Si Hel!" Umupo si Mirae sa tapat na upuan ko.
Kasalukuyan kaming nasa classroom at naghihintay ng teacher na mukhang malabo nang dumating.
Hindi naka-uniform si Mirae dahil syempre hindi naman siya dito nag-aaral. Naka-porma siya na parang K-Pop. Actually, mukha talaga siyang member ng K-Pop girl group. She's super cute!
"Dumagdag ka pa kay Clark eh, inaagaw n'yo sa'min ni Sumner si Hel! Nawawalan na siya ng oras sa'min!" nakangusong reklamo ulit ni Kyle.
Sumner jokingly glares at Mirae because of Kyle's sentiments.
Natawa tuloy ako. Ang cute nilang tingnan.
Lumabas rin kami sa classroom nang masiguro naming hindi na darating ang teacher.
Muntik akong mapatalon sa gulat nang makita kong nag-aabang si Clark sa labas. Wala man lang kahit anong expression ang mukha niya.
"Saan mo na naman dadalin si Hel?" tanong ni Kyle nang hatakin ako ni Clark palayo sa kanila.
"Sasama ko, namimiss ko na si Heloise." Habol ni Sumner, hinawakan ang kabilang braso ko. "You're always with her, hayaan mo namang sa'min sumama si Heloise ngayon."
Ang seryoso masyado ni Sumner!
"I am courting her. I have the right to be with her." Walang pa ring emosyong sabi ni Clark.
I can feel the tension rising. Magsasalita na sana ako, but Sumner slowly lets go of my arm.
"Next time let her be with us, she's not yours."
"She will be, in the future." sabi ng stripper at tuluyan na kong hinatak palayo.
Okay.
What just happened?
At bakit masyado silang seryoso?
Patuloy pa rin sa paghatak sa'kin si Clark, at wala akong kahit anong ideya kung saan ako dadalin ng kapreng 'to.
Sa music room niya pala ako dadalhin.
Hinatak niya ako paupo sa grand piano, na nasa pinakagitna ng music room.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Підліткова література(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...