Chapter 26 - Concert
Wala namang nagbago simula nang 'magtapat' sa'kin si Clark. Ganoon pa rin, masungit pa rin siya at binu-bully pa rin ako. Minsan nga—madalas pala, iniisip ko kung sinabi niya ba talagang gusto niya ako. Totoo bang nangyari 'yon? Baka panaginip lang?
Isang linggo na ang nakalipas.
It's Saturday again, kaya ako lang ulit mag-isa sa condo.
Ah, may nagbago naman pala ng KAUNTI. Sa kama niya na ako pinapatulog.
Can you believe it?!
Pero isang gabi lang akong natulog sa kama, kinabukasan bumalik na rin ako sa sofa. Nakakahiya kasi kay Clark, ako na lang ang nakikitira 'di ba? At nahihirapan din talaga siya sa sofa, lampas kasi ang buong binti niya! Ang tangkad lang kasi masyado eh! Ang kulit pa, sinabi ko na sa kanya dati na kumuha siya ng sofa na kasing haba niya.
Komportable naman din ako sa sofa eh, unlike him hindi ako lampas. Sakto lang sa'kin, malaki at malapad din naman ito.
Kinuha ko ang phone ko at hinalungkat ang gallery. As usual, papanoorin ko ang stress reliever ko. Hindi naman sa stress ako, gusto ko lang matawa at may magawa.
Nasa kalagitnaan ako ng paghalakhak nang biglang bumukas ang pinto.
Mabilis kong pinatay ang phone at inupuan ito.
"Aga mo yata?" tanong ko kay Clark na kakapasok lang.
Tiningnan niya lang ako at dumiretso sa kitchen.
My gosh, dedma na naman! Gawain ba talaga 'yon ng lalaking nagtapat?
Binuksan ko na lang ang TV, hindi na ako nangahas na panoorin ang stress reliever ko. Mahirap na, nandito ang stripper eh. Kailangang mag-ingat.
Agad akong napatayo nang may maamoy ako. Kusang gumalaw ang mga paa papunta kung saan nanggagaling ang mabango at masarap na amoy...
Sa kitchen.
Nagluluto ang stripper. Bigla tuloy akong nagutom.
Our eyes meet and dedma lang ulit. Kaya naman pinanood ko na lang siya.
Kasalukuyan siyang naghihiwa ng mga gulay habang may pinapakuluan sa stove. Ang sarap niyang panoorin.
Nakaka-turn on?
Ang seryoso niya kasi, naghihiwa lang nakasalubong pa rin ang kilay. Pero nevertheless, ang gwapo niya pa rin.
Marunong nga talaga siyang magluto. Akala ko display lang ang kitchen niya.
These past days kasi, madalang na lang kaming magpa-deliver dahil palagi na siyang nagluluto. Ang dami niyang alam lutuin. Buti pa siya. Sana all.
"Tulungan kita?" pagmamagandang loob ko.
Umiling lang siya.
Pinapanood ko lang ang bawat galaw ni Clark. Ang sarap niya talagang panooring magluto. Bakit ba ang sexy niyang tingnan, eh nagluluto lang naman siya?
Tumaikod siya sa'kin at hinarap ang stove.
Ang sexy ng likod niya. Bumabakat ang muscles niya sa likod dahil sa white tank top niya, kaya naman kitang-kita rin ang biceps niya.
Gusto ko siyang alisan ng tingin pero hindi ko magawa.
Napalunok ako.
Ang sexy talaga ni Clark.
BINABASA MO ANG
Sexy Virus (Phoenix #1)
Teen Fiction(Completed) Define Clark Anderson. - Bad boy, bully, grumpy, hot and sexy. Minsan tao siya, minsan demonyo, minsan racer, minsan gangster, minsan mabait, minsan kapre, pero madalas SEXY. And he stripped in front of a brokenhearted girl, Heloise. Yes...
