Chapter 25

902 32 6
                                    


Chapter 25 - HA?!


Nang makaupo kami at naamoy ko ang pagkain, doon ko na-realize na gutom pala ako—natabunan lang ng sobrang antok.

Sinunod-sunod ko ang pagsubo ng fries habang pipikit-pikit pa rin.

I feel so sleepy and so hungry.

"Not hungry huh?" nanunuyang sabi ni Clark sa harap ko.

Tiningnan ko siya saglit, nakataas ang isang bahagi ng pouty pink lips niya. Binalik ko ang tingin ko sa fries at nagpatuloy sa pagkain.

Bahala siyang mang-inis.

He clears his throat, pero nanatili sa fries ang tingin ko. He does it again, several times kaya finally tumingin ako sa kanya. Obviously, he wants me to look at him. Nagpapapansin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Akala ko ba ikaw ang gutom?"

Hindi pa kasi ginagalaw ni Clark ang pagkain o kahit drinks niya. Pinapanood niya lang akong kumain.

"Gaano kayo ka-close ni Hunter?" seryosong tanong niya na lang bigla.

"Bakit mo tinatanong?"

"Sagutin mo na lang."

"Hindi naman gano'n ka-close. Sakto lang." Nagkibit balikat ako. I wish we were closer though.

Sumama ang mukha ni Clark, "Tsk, tapos nagpayakap ka sa kanya?"

At nagpahalik naman ako sa'yo!

Gusto kong isigaw sa mukha niya. Kung hindi ako inaantok, at kung nasa tamang kalagayan ang utak ko, mao-offend talaga ako sa tanong niya. But I feel way too sleepy para magpa-apekto pa sa sinabi niya.

Nginisihan ko siya, "Syempre, super crush ko si Hunter eh."

"What?!" napahampas pa siya sa table to the point na pati fries napatalon.

Napatakip na lang ako sa tainga ako. Ang lakas at ang laki kaya ng boses niya!

"Anong problema ro'n? Masama bang chumansing?" Kakagat pa sana ko ng burger nang bigla niya akong hinatak palabas ng McDo. "Hoy! Kumakain pa 'ko!"

Hindi niya na naman ako pinansin, walang sabi-sabing pinasok ako sa loob ng red sports car niya. Akala ko ma-u-untog ako pero mabilis siyang nakahawak sa tuktok ng ulo ko.

Ano na namang drama 'to? Sawa na ko sa pagbabago ng mood niya!

Kaysa magreklamo, sumandal na lang ako sa upuan. Inaantok na akong talaga, kahit papaano naman may laman na ang tiyan ko. Hindi na akong gaanong gutom. Nanghihinayang lang ako sa pagkain na iniwan namin. Sayang! Ang dami kayang nagugutom sa mundo.

Pipikit na sana ulit ako nang bigla kaming bumilis, napakapit tuloy ako sa upuan. "Pwedeng bagalan." Napapalunok na sabi ko.

Ang demonyo, lalo pang binilisan!

"Wala ka na sa Fortnight!" sigaw ko, he's driving way too fast! Gusto niya bang kumarera ulit?! "Hoy, Clark! Kung magpapakamatay ka, 'wag mo kong idamay!"

Napa-sign of the cross na lang ako. Buti wala pang humahabol na pulis samin dahil lampas na siya sa speed limit.

"Why the fuck are you doing this to me Heloise?!"

"Anong bang ginagawa ko sa'yo?! Wala naman ah!" Inosente ako!

Pumikit ako ng tuluyan dahil lalo niya pang binilisan ang pagmamaneho.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon