Thirty-fourth Chapter - Saltikin <3 Bansot

3.3K 171 63
                                    

Thanks for all the love and support! I remember how this story started with 3 readers, but look at it now, mag-50K reads na! Sobrang flattered ako sa lahat ng comments and the outcome of my kalandian. Haha. Parang isang araw bumili lang ako sa NBS ng notebook at ballpen tapos sinulat lahat ng kalandian ko. Hindi ko alam na ganito pala kasaya lumandi. This only means one thing, landi pa more!! Ganern. lol 😂😂

Thank you po talaga sa inyong lahat!

Dedicated ang chapter na to kay @JhommelNejal , @AndreiKent14 , and @toothless99 . Thanks mga be sa palaging pagsheshare ng soloobin niyo bout the story. 💙

Pasensiya na kung ang daldal ko, masaya lang po. Hihihi. 😹😹

~

Kahulugan wala kung akong ka wala. Naintindihan mo ba? Ang gulo, diba? Naging ganyan yung mundo ko simula nang iwan mo ako — MEANINGLESS.

And then he came and patiently fixed my shattered heart, and my world saw light once again..

~

Chapter 34

Mico's POV

Nagising ako nang masampal ko yung sarili kong pisngi dahil sa kumagat ditong lamok.

"Ribit." sabi ng palakang naka-eye-to-eye ko. Psh. Bakit may palaka sa kama ko?

Wait........ palaka? What the?

Agad akong napabalikwas ng bangon nang marealize kong wala ako sa kama ko at totoo yung palakang kaharap ko.

Inikot ko ang aking paningin sa paligid at naalala ko na kung ano'ng nangyari kaya nandito ako ngayon, nakahilata sa gitna ng kakahuyan, sa ilalim nang bilog na buwan.

Umiral na naman nga pala yung kalampahan ko kanina at para kong action star na nagpagulung-gulong pababa dito sa pwesto ko ngayon.

I felt my back aching and the side of my head stinging, so I touched it which caused more pain. Naramdaman ko ring basa ito at nang tingnan ko ang kamay ko ay nakakita ako ng maraming dugo.

Sinubukan kong tumayo ngunit natumba rin ako dahil sobrang sakit ng ankle ko. Pagtingin ko sa kanang braso ko ay puro gasgas din ito.

"Ang lampa mo talaga, Mico." maluha-luha kong pagkausap sa sarili ko.

Nagulat naman ako nang parang may narinig akong malaking ibon na lumipad kasabay ng pag-ihip nang malakas at nakakapanyelong lamig na hangin.

"T-Tulong!!" pagsigaw ko habang muling sumusubok na makatayo ngunit muli ring nabigo. "May tao ba diyan?!!! Tulungan niyo po ako!!"

May nakita akong mahabang kahoy na pwedeng gawing tungkod kaya kinuha ko ito at ginawang panuporta sa aking pagtayo. Nagawa ko naman ngunit nakakaisang hakbang palang ako ay natumba na naman ako.

Kumirot yung ankle ko at hindi ko na napigilang mapaiyak sa sobrang sakit.

"T-Tulungan niyo po ako!! TULONG!!" muli kong pagsigaw ngunit tila wala talagang nakakarinig sa akin. Mukhang imposible ring may magagawi sa parteng ito ng gubat sa mga oras na to.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon