Thirty-sixth - The Sweetest Downfall

4.2K 195 68
                                        

Chapter 36



Tyrone's POV


(28 days earlier...)


Hindi ko na naman napigilang mapangiti nang makita ang sobrang nakakapanggigil sa kakyutan kong boyfriend na unti-unting naglalakad palapit sa'kin. Kanina ko pa siya hinihintay dahil yayayain ko siyang kumain sa labas. Another date namin.

Ewan ko ba. Basta gusto ko palagi siyang kasama at cliché mang pakinggan pero makita ko lang talaga siya, gumaganda na 'yung araw ko. Sa klase nga, palagi akong lutang kakaisip sa kanya. Madalas kakalabitin na lang ako ni Leo para tanungin kung bakit ako nakangiti. Hindi niya pa kasi alam 'yung tungkol sa'min ni Mico. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Tsaka na siguro.


This amazing person...
I love how he makes me feel like I can do anything, like everything in this world is possible.
He brings out the best in me.
He is the wind beneath the wings I didn't even know I possess.


So far, siya 'yung masasabi kong the best na nangyari sa buhay ko. Like, for once, may nagawa akong magandang desisyon. At habang papalapit siya sa'kin ngayon at magkatitigan kami, para 'kong nahuhulog sa isang sobrang lalim na balon—but for me, it's the sweetest downfall someone could experience, ito 'yung uri ng pagkahulog na hindi mo na gugustuhin pang umahon.


This guy...
He was just once my stalker.
But now...
He's become my miracle....my angel...my light...my Mikmik...
Para 'kong tangang kinikilig mag-isa. Pucha, baklang-bakla na 'ko.


Para namang kunehong naglulundag 'yung puso ko nung gumuhit sa mukha niya ang isang ngiti.

"Kain tayo?" pagyaya ko sa kanya nang nasa tapat ko na siya.

'Yung totoo, nanggigigil na 'kong yakapin siya at angkinin ulit 'yung matatamis niyang labi ngayon kaso magagalit 'yan dahil ayaw niya ng PDA. One time nga, habang nasa library kami, ayaw niya kasi akong pansinin dahil busy siya sa kakadrawing niya kaya 'yun, ninakawan ko ng halik. Pero mas lalo niya 'kong 'di pinansin hanggang sa makauwi siya.

Pero nung nag-sorry ako, pinansin niya na 'ko ulit basta 'wag ko na daw gagawin ulit 'yung ginawa ko. Pero masisisi niyo ba 'ko kung hindi ko mapigilan 'yung sarili kong halikan 'tong ganitong kakyut na nilalang? Pero dahil ayoko rin nung feeling na hindi niya 'ko pinapansin, titiisin ko na lang. Kahit sobrang hirap magpigil.

"Busog pa ako, eh. Birthday nung prof namen kaya nagpa-pizza. Hehe," sagot niya.

"Ganun ba? Paano naman ako? Kanina pa kaya ako nagugutom pero hinihintay kita kasi gusto ko sabay tayo," pagpapaawa ko. Pucha. 'Di ko alam may ganitong acting skills pala 'ko. Haha.

"Aysus, nagdrama pa siya. Tumigil ka, hindi bagay sa'yo," sita niya.

Tiningnan ko lang siya na may paawa epek at may kasama pang pag-pout at paghimas ng tiyan.

"Fine!" pagsuko niya. "Cute ka na, sige na. Tara na sasamahan na lang kitang kumain," dagdag pa nito.

"Ayown. Bait talaga ng Mikmik ko," puri ko.

"Ops," pagpigil niya sa'kin nung aakbayan ko sana siya, "Nasa school pa tayo."

"Sabi ko nga, hehe."

Sa convenience store kami pumunta. Hotdog sandwich 'yung binili ko, apat. Oo, para sa'kin 'yun lahat. Bumili rin ako ng ice cream para sa'ming dalawa. Sobrang saya niya nga, eh. Paborito niya pala ice cream. Kinakain lang namin 'yung ice cream namin habang nakatingin sa labas mula sa salaming pader ng store.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon