2- Vacation ni Sarah Sa Europa
**-**
“ hi.. “ bati k okay Matteo. Andito ako ngayon sa Paris kasama ng buo kong family. First time namin na magkakasamang muli. Si Ate Johna , si ate Shine, Gab, mommy at daddy. Facetime facetime lang muna kaming dalawa ng lovey ko.
“ miss na miss na kita..” nakalabing sabi nito. Umaga dito at madaling araw naman sa pinas. Kaya alam kong kakagising lang ng mahal ko.
I smiled sadly at him. “ miss na din kita” pag aamin ko.
“ kung pwede lang na sumama sa inyo, hahabol ako agad , ngayon din , kaso- -
“ Lovey. .” pagpipigil ko dito. Di iisang beses namin pinagtalunan ito. He really wants to join me in this travel, pero di ako pumayag. Family time namin, and i want him to spend his time with his family too.
Malaki nga tampo nito sa akin, dahil bago kami pumuntang Paris, galing kaming Japan dahil sinundo namin si Gab. And he also has a show in Japan , pero tumangi akong makipagkita dito. Kahit na pwede kaming magkita at magkasama ng isang araw. Gusto ko lang naman na iparamdam sa pamilya ko na sila pa din ang top priority ko, kahit na di naman ako binawalan nina mommy at daddy na makipagkita kay Matt sa japan, I still said no dahil time ko yun with my family. And I pray na sana naiintindihan ako ni Matt.
Nakita ko sa screen kung paanong iniwas nito ang tingin at humalukipkip. Napapikit pa ito muna bago nagsalita.
“ I just missed you so much.. this is by far the longest time we haven’t seen each other. I miss every single detail of you. You really don’t know I longed to hold you , to feel you.. Uwi ka na beh,please . .”
“ ganun din naman ako.. two weeks lang naman tayong di magkikita .. “
“ it seems to be 2 yearrsssssssssss... “ Huminga itong malalim saka itinaas ang kamay at nilagay sa ulunan nito.
“ You’re not wearing shirt??” nanlalaki ang mga mata kong tanong dito. Biglang may sumilay na pilyong ngiti dito.
“ i wear nothing when i sleep.” Sabi nito at binaba ang cellphone upang makita ko ang katawan nito. Mula sa mukha nito,bumaba ang phone sa leeg nito, sa dibdib. .pababa . .sa abs nito. .shit.. bumababa pa, kaya bigla akong sumigaw.
“ Matteooooo!!!”
Mabilis din namang lumipat muli sa mukha nito ang camera ng cellphone. Tawa na to ng tawa ngayon.
“ kainis ka.. kanina drama drama ka pa, tapos!! Ayyy ...”
“ hahaha.. ang pula pula ng mukha mo love.. “
“ Tse! “
“ I so love you so much!!!”
“ babay na.. “
“ where’s my I love you too . . “
Tiningnan ko muli ito. Ganito pala ang Long Distance Relationship. Mahirap pala. Kalaban mo ang oras. Kagaya ngayon, kahit na gusto kong yakapin ito at sabihin dito harap harapan na mahal na mahal ko ito, di ko magagawa dahil milya milya ang layo namin sa isa’t isa.
Nakatitig lang ito sa akin. Di kami nagsasalita. Magkahinang lang ang aming mga mata. Pero, kahit wala ni isa sa aming ang nagsasalita, nagsusumigaw naman ang pagmamahalan namin sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
AshMatt
FanfictionKathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..