7- Set Visit, Meryenda, and Dinner**-**
"Mommy, what time po flight natin bukas ?" katatapos lang namin bumisita sa Viva Office dahil may meeting kami, sabay na pinagusapan na din ang career ko, upcoming events and some changes.
" 6 . . bakit?"
" Pwede . . . " sabi ko habang nakangiti dito. Tinataas-baba ko pa kilay ko. At mukhang gets na ito ni mommy.
" hay naku Sarah . . Para paraan ka talaga . Sige na, san ka ba papahatid?"
" Yes!! Sa set po nina Matt. . Malapit lang po yun dito , my . . Tsaka, may fight-scene praktis lang po sila. .Malapit na din po sila matapos, sabay lang po kami dinner, tapos hatid na po nya ko pauwi" masaya kong sabi
" Ay planado na pala . . Nagpaalam pa ha, pero may itinerary na . . Iba ka"
" Mommy!!!" tinakbo ko na pagitan namin at niyakap ko ito. Nakakahiya, bistadong bistado ako. " i love you po . . muah muah!! " at pinugpog ko ito ng halik . .Tawa naman ng tawa si mommy . Pero patuloy pa ito sa pagtukso sa akin.
" Di halatang in love na in love ah. . Kagagaling lang sa 4 na araw na bakasyon, miss na agad ang isa't isa?? "
" Mommy!!! . .nahihiya na po ako . . ."
" Hahaha . . Ang bunsoy ko , dalaga na talaga . . " hinaplos nito ang pisngi ko saka masuyong pinisil. " Basta, ang bilin namin ni daddy sa inyo palagi ha. . wag na wag mag co-cross sa line. Yung limitations ha. . "
" opo mommy. . alam nyo naman po na good boy si Matt. . Pag ano pong bilin nyo, talagang sinusunod. . "
" kaya nga namin pinagkakatiwalaan , dahil sinusunod at nirerespeto nya ang mga bilin namin . ."
" botong boto . . ayiiii . . " ako naman ang tumukso kay mommy. . Kita kong nangingiti ito pero dinedma lang ako.
" Umayos ka na , nang maihatid ka na doon ."
" ganito lang ako my. ." tiningnan ako nito mula ulo hangang paa
" t-shirt? tapos may dinner kayo mamaya?"
" opo . .bakit? ano pong masama sa ayos ko? Tsaka, kakapalit ko lang po nitong t-shirt ko."
" Dalhin mo na yung tops mo na ginamit kanina sa meeting. Parang di mo kilala yung nobyo mo , ang simpleng dinner nun, sa isang 5-star hotel restaurant, or ang simple pa minsan nun ay sa isang fine-dining resto"
Tama si mommy. Ang sosyal ng taste ni Matt, sanay na sanay siguro ang mga ito sa ganung klase. Kasi kung kami lang, kahit san pwede . At di kami masyadong puma-fine dining. Di bet nina mommy at daddy, di daw sila nabubusog. ." pero kasi po dadaan pa ako sa gym kung san sila naroroon .Surprise ko po yun, baka naman sobrang pormal ako pag ganun. Kita nyo nga po naka slippers lang ako. "
" iwan mo sa kotse nya ang damit at sandals mo. Dalhin mo, pagbaba nyo, text mo driver nya para suyuin mong ilagay sa kotse nya. May problema pa??"
" ay halatang boto talaga!"
" Sarah!!! "
" Hahahaha .. bistado ka mommy.. Mahal na mahal mo na nuh . . Uyy , si mommy . . "
" Tigilan mo ako. .Ayusin mo na ang dadalhin mo, tsaka itext mo na ang driver nya"
" opo!! " at masaya kong binitbit na ang bag ko. Ang P.A ko na ang nagbitbit ng damit at sapatos ko. Eh sa naexcite ako masyadong pumasok ng van eh.
Pagkaupong upo ko , agad kong tinext ang driver ni Matt.
Me: Kuya, papunta po kami dyan. Paabang po kami sa labasan, .di po alam ni Matt na pupunta ako .
BINABASA MO ANG
AshMatt
FanficKathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..