30-Sobrang Miss

3.1K 71 29
                                    


30

Miss na miss ng sobra

•••***•••

" 20k na naman ang tinakbo nyo?? " frantic na tanong ni Sarah. Kausap ko ito ngayon sa telepono, at nasa hotel room na kami. Nung isang araw lang kasi, 16k , tapos nitong umaga naman 20k

" ah- ano kasi -

" Matt naman ., baka maburn out na kayo nyan! Ang init init tapos takbo pa kayo ng takbo..tapos naman na ang race, baka pwedeng pa lessen naman ng kahit konti ang sobrang pag takbo.."

" ok love.." tanging sabi nito. Pareho kaming natahimik at di nagsalita. Alam kong di gusto ni Matt na pagsabihan ito about his tri- life.. Pero di ko kayang makita syang hapong hapo after every long run..

" im sorry love.." sabi ko. I heard him sigh, pero di pa din ito nagsalita..

" Sarah-

" sige na Love.. hang ko na 'to . Tawag na ako ni mommy" di ko na inantay pang sumagot ito at binaba ko na ang tawag.

Nasa Ilocos pa din sila at halos apat na araw na din kami di nagkita. Mamaya pa Dagupan ako for an event tomorrow, and Matt has his own event too. I think , baka next week pa ata kami magkikita..

And im missing him so much everyday..

" nak.. tapos ka na ba? Ready na ang daddy mo.. "

" opo my.. pababa na din po ako.. " saka ako nagmamadaling kinuha ang dadalhin kong bag at ang earphone ko. Need to practice pa din ng kanta for the event..

Pagkababa ko, ready na nga ang buong team pa-Dagupan. Mahaba habang byahe din ito, at itutulog ko lang naman. Gaya ng nakasanayan..

Ilang beses kong tsinek ang phone ko, pero walang  tawag o text man lang si Matt.. Kainis din yun ah!

" Sars. . Oh bakit busangot yang mukha mo?" Napuna pala ni ate Evi ang itsura ko.

" wala po.. "

" asus.. kilala na kita .. 'nangyari?"

" hmmmp.. inis po ako." Nagmamaktol kong sabi. Natawa naman ito sa akto ko kaya nilagpasan ko na ito ng lakad.

Kung ayaw niyang mag text , bahala sya!

Pasalampak akong naupo sa upuan sa loob ng van. Kahit sina mommy napansin yun, kaya nagtanong din ito. Si daddy kasi nasa front seat kaya di nito nakita ang pag iinarte ko!

" anak.. may problema?" Si mommy

" hay naku Mommy , may bata na wala po sa mood" si ate Evi na ang sumagot. Nakalabi ko itong tiningnan..

" eh ate naman ..wala naman po ito " sabi ko

Pero si mommy, tinaasan lang akong kilay. Saka ito tumingin sa bag at tila may kinukuha.

" oh.. para sayo"  ani nito sabay abot ng isang pulang squared box.

" ano po to?" Tanong ko

" buksan mo kaya ng malaman mo.." nakangiting sabi ni mommy. Kahit si ate Evi nakangiti din. Ganundin si Chloe..

" sige na 'te , buksan mo na po" hirit ni Chloe

AshMattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon