36- Finding ways

3.1K 89 17
                                    




36

Finding ways...

•••***•••

"sorry Love. Pero di ako pwede bukas. Parang mag eextend pa kami ng oras para sa shoot" sabi ko kay Matteo. Ilang beses ko na bang tinangihan ang yaya nito na magkita or kahit mag dinner lang kami ng sabay? Di ko na mabilang kung ilang beses. At sa tuwing tumatangi ako, nagdadasal ako na sana mainitindihan nito ang sitwasyon.


Ngarag kami ng buong team ko. From movie shoots , to endorsement, to Voice teens! Plus may ASAP pa! Wala na akong halos pahinga, and it's been weeks since I last saw Matteo. Call , text and facetime na lang kami..

" it's ok.. I understand" bakas sa boses nito ang lungkot. Wala kaming magagawa, trabaho eh.


" im sorry.." mahina kong sabi. Break namin ngayon from shoot, at gusto kong maiyak! Buti na lang at busy din ang mga kasama ko sa tent sa pag tetext at kung ano ano pa.

" shhhh.. don't be sorry.. Im fully aware of our current situation. And I love you. And please, eat all the foods im preparing for you. Promise me , di ka papagutom. Oh and by the way, may banana chips and casava chips akong pinadala, did you receive them?"

" i love you. I love you . I love you so so much!!" Ito ang lumabas sa bibig ko kesa sagutin ang tinatanong nya sa akin.. I heard him sighed deeply. Alam kong may ngiti sa labi nito. Im sure of it! I was smiling too sa isiping hangang ngayon, may hatid na kakaibang kilig kay Matt sa tuwing sinasabihan ko ito ng 'i love you' .

" i- agh!! I wanna see you.. and hug you ao tight! Im so inlove with you Sarah!!! "

" tie naman tayo dyan!! "

" hahaha!! I know! You eat ha. Damihan mo, you're getting thinner already. "

" yes sir! " sumaludo pa ako kahit alam kong di ako nito nakikita. He's laughing so hard on the other. And it made my heart misses him more. I miss everything about him! Oh how much I want all these commitments of mine to finish! .

" beh.. tawag ka na ni direk.." si ate Evie.

" opo.. " tumango ako dito.. " love.."

" i know.. you go ahead now. See you when I see you? Hahaha.. "

" opo! Babay na! Love you!! "

" and i love you more!"

Masaya ako paglabas ko ng tent. Kung kanina lang ay nakaramdam ako ng pagod, ngayon, fully energized na ako! Matteo's my vitamin. My source of happiness and energy!

" ooppss.. ang blooming! " ito yung bungad ni Lloydie sa akin. Ang lapad ng ngiti! Pero sinimangutan ko ito.

" tse! Kanina , tinarayan mo ako! Hmp! May dalaw ka ata ih!" Lumabi ito saka nagkamot ng batok. Then he smiled so sweetly! Pero nilagpasan ko ito!

" sorry na bebeh ko. Kaya nga ako andito, kasi babawi ako sa kasungitan ko kanina. Hehehe. Peace offering" ani nito sabay labas ng isang chichiryang paborito ko! Craklings!!

" oh my gulaaay!!! Iiihhhh!! "

" oooops! " kukunin ko na sana sa kanya kaso nilayo naman nito. Kaya sumimangot muli ako. " peace na tayo?"

" ibigay mo muna yan"

" yup. Pero,,peace na tayo?" Pag uulit nito. Tila nag iisip akong malalim habang nakatingin dito. Kaya nagpa cute muli ito! " peace na?? Sige na bebeh ko. Bukas, doritos, lays at ruffles! Yung malalaki! "

AshMattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon