SunDate•••***•••
" whole day?? nak naman, magkasama na nga kayo nung friday, pati ngayong sunday, si Matteo pa ang gusto mong makasama ng whole day!" Si daddy. Kung makareact naman to, parang di ko pinaalam itong sunday date namin ni Matteo last week pa. Ang oa talaga minsan ni daddy!
Andito kami ngayon sa hapag kainan at sabay na nag aalmusal. Milagro nga daw at nagising ako ng maaga. Alas sais pa lang kaya! Eh kasi naman, bago mag alas 10 dapat nasa Alabang na ako.
" mommy.. tingnan mo si dad oh, nagpaalama na kaya ako sa inyo , tapos ngayon nagrereklamo" hinging saklolo ko kay mommy.
" hangang anong oras ba kayo ni Matt ?" Si mommy.
" lunch po sa bahay nila , tapos titingnan namin yung resto.. sa hapon po, sabay na kami mag aateng sa the fort. Gaya po ng paalam namin sa inyo. Ihahatid naman po ako ni Matt mamaya pag uwi"
" susunduin ka pa ba?"
" hindi na po.. kami na lang nina Kuya ang pupunta.. tapos pauwi, convoy na lang po"
" walang ibang kasama?"
" daddy!! Daddy naman ih."
" si ate Johna mo wala dito, kasama boyfriend nya, si ate Shine , mukhang wala din balak na dito tumira, si Gab, ganundin, lahat na lang kayo iniiwan kami ng mommy mo.. susunod nyan, ikakasal ka na at dun na din titira sa bahay ni Matteo.. Para itong sunday lang na gusto ko kayong kasama, di pa pwede dahil may lakad din.."
Tumayo na ako saka nilapitan si daddy. Niyakap ko ito saka hinahalik halikan ang mukha! " daddy naman.. love na love kita ah.. tsaka, alam mo naman na kailangan ko din makita yung lugar ng resto na pagtatayuan ng negosyo namin diba?? bukas na tayo mag date.."
Humugot ito ng malalim na hininga. Pero imbes na magsalita itong muli, gumanti lang ito ng yakap sa akin.
" daddy. Hayaan mo na yang si sarah! Tsaka, pupunta tayong farm ngayon, " ani ni mommy. " tsaka Sarah, ganyan talaga pag tumatanda na ang daddy, madrama na sa buhay"
" mommy!!! Di ako matanda" si Daddy. Tumawa na lang ako saka niyakap itong muli..
Nakailang tawag na ba ako kay Matteo pero mukhang tulog pa ito! Alas dose naman ito nauwi kagabi, pero bakit parang puyat na puyat to!!
Kainis din ih! Nasa loob na kami ng village, at nakakahiya naman na si tita ang tawagan ko para salubungin kami! Ay naku Matteo!!!
Mag dadial pa sana ako ng number nito , nang nagflash sa screen ko ang isang text message mula kay Tita Glenna..
Imbes na replayan ito, tinawagan ko na ..
" hello po tita, good morning"
" iha.. good morning too.. san na kayo banda?"
" actually, two blocks away na lang po.. "
" oh.. ok, ipapabukas ko na ang gate.. im so excited to see you."
" same here po.. "
" i can see your van.. ibababa ko na ang tawag"
" ok po.."
And true to her words, ang masayang mukha nito ang sumalubong sa amin. Ang swerte ko, ang bait ng nanay ni Matt., lahat ng family nito mabait na tunay!
BINABASA MO ANG
AshMatt
FanfictionKathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..