CHAPTER 2.1
Gray’s POV
Flashback.
“Dad, we can’t marry for the wrong reasons. Red and I can’t divert from what is right. It’s against the law of the universe. We can’t achieve harmony and balance kung ipipilit natin ang gusto nyo.” Paliwanag ko kay Dad.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” Tanong sa akin ni Red.
Tiningnan ko sya ng masama at nagpatuloy ako sa pagsasalita. “I’m supposed to be starting a new chapter in my life. I want everything to be right. I want ‘love’ be the reason why I’m marrying someone.”
Sa wakas ay nagsalita na rin ang Dad ko. “Gray, anak, seven years old ka pa lang. Ano bang love ang pinagsasasabi mo? Pati ang law of the universe nadamay? May harmony at balance pa.” Nakangiwing sabi ng Dad ko.
Napahiya ako sa sinabi ni Dad. Pagtingin ko kay Red, hayun, red na red na ang face sa kakatawa. Lagot ka sakin mamaya! Wahahaha. I’ll make an evil plan later.
Honestly, gusto ko naman talaga matuloy ang kasal namin. Crush na crush ko kaya si Red nung una pa lang. Nagpapakipot lang ako. Landeeee! Seven years old pa lang ako nito ha! Eh ano bang magagawa ko he’s divine looking! And when I saw him in person, I was fascinated with his physical appearance. Period. Physical appearance lang talaga. Kapag hindi ko na nate-take ang ugali nya, sinusupalpal ko na. He’s too suplado kasi. Parang matanda!
Tumalikod na ako sa kanila at rumampa papasok sa kwarto ko. Yes. Rumampa ako tulad ng isang supermodel of the whole wide universe.
---
PALIHIM akong pumasok sa kwarto ni Red. Dala ko na rin ang mga kailangan ko tulad ng tungkod ng lolo ko, pang-isahang wooden chair at kumot. Nakamake-up na rin ako. Alam kong nasa cr lang ng kwartong ito si Red na malamang ay nagtu-toothbrush. Dinig na dinig ko kasi sya. Sa kabilang room lang naman ang kwarto ko. Marahil you’re wondering why i have to bring a wooden chair, well, para mas matangkad ako at hindi magmukhang katawa-tawang multo. Patay na ang ilaw sa kwarto nya. Pumwesto na ako. Sumakay na ako sa wooden chair sa tabi ng kama nya. Nagtalukbong na rin ako ng kumot. At inilagay ang tungkod ni lolo sa harapan ko. Tumatayo naman yun kaya okay lang na hindi hawakan. I made it sure na kita yung tungkod. Alam ko kasing takot si Red sa kaluluwa ng yumao nyang tsekwang Lolo.
Sa wakas ay lumabas na sya ng cr nya. This is it. Ready na ako! Ang totoo, hindi naman ako magsasalita. Hihintayin ko lang na makita nya ako tapos tatakbo na yun palabas at babalik na ako sa room ko. Hala! Sisigaw na siya in five, four, three, two… Huh? Anyare? Bakit wala pang sumisigaw? Pinagpapawisan na ako dito. Ang init kaya! Okay, bibilang ulit ako. Five, four, three, two, one!
“Hello, Lord! Please guide me in my sleep. Don’t make the EVIL succeed in her plans. Thank you po. Amen.” Talagang diniinan nya ang word na evil.
Teka, nakikita nya ba ako? Imposible! Nakatakip ako ng kumot tsaka mukha na akong matangkad ngayon. Impossible talaga. Pero bakit ang tagal? Sumipol ako.
5, 4, 3, 2, 1… Walang response.
Sinipa ko yung tungkod ni lolo. Booogsh!
“Hanggang kalian ka mananakot dyan, Gray?” tanong ni Red.
Huh? Anong sinasabi nya? Bakit alam nya? Ang tangkad ko na kaya? “Hindi ako si Gray.” Nilakihan ko ang boses ko ng parang boses ng boys.
“Kung mananakot ka, siguraduhin mong nakababa ng ayos ang kumot at hindi nakasabit sa palda mo. Kitang kita ko tuloy na kulay red ang panty mo habang nakahiga ako sa kama ko. May patakot-takot ka pang nalalaman dyan.” Natatawang sabi nya.
Tinanggal ko na yung kumot at tinapon ko sa sahig. Then I jumped from the chair to his bed. Humiga ako at tumabi sa kanya. And without a warning, I kissed his cheeks and ran to my room.
--
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...