CHAPTER 5 - LOLO TSEKWA

238 13 0
  • Dedicated kay Angelica Garcia
                                    

CHAPTER 5 - LOLO TSEKWA

Gray's POV

Ang tinamaan ng kunat, ayaw pa ata bumili! Huh! Alam ko ang kahinaan nito. Si Lolo Tsekwa! "Ah, Red, bakit amoy kandila rito sa room mo?" inamoy amoy ko ang paligid.

"Hindi naman ah." Si Red.

"Anong hindi?! Amoy nga eh, oh. Na-miss ko tuloy si Lolo Tsekwa."

Lolo Tsekwa ang tawag ko sa lolo nya. Chinese kasi.

Nakakasama ko sya noong mga bata pa kami ni Red.

Botong-boto sya sa amin ni Red.

Kaya naman tuwang-tuwa ako sa kanya. Pero hindi rin nagtagal, wala na. Flylalu na si Lolo Tsekwa. Hmnn, may bright idea ako.

"'Lo, kung nandito po kayo, magpakita kayo ULIT sa akin. Miss ko na kayo. Last week pa noong huli nyo akong binisita eh." Pagsisinungaling ko. Hindi naman ako nakakakita ng multo eh. Tiningnan ko si Red. Uneasy na sya. Hihi. Bili na kasi.

"Gray, san ang susi ng kotse? Gutom na rin ako. Tara! Sa labas na kaya tayo kumain."

"Oh! Sayo na yang susi. Ayokong sumama sayo sa labas. I-take out mo nalang yong sakin. Dito nalang ako. Ahm, pwedeng dito muna ako sa kwarto mo? May kakausapin lang ako saglit. Mukhang dito ang tambayan nya eh. Sige na. Umalis ka na. Gutom na ako. Bilisan mo. Tsupi!" pagtataboy ko sa kanya. Hala! Medyo maputla na ang loko. Haha.

At lumabas na sya ng room. Narinig ko ang tunog ng sasakyan na papalayo.

Yes, we have a car. Isa lang. A gift also from our parents with this house.

I decided na sya nalang ang gumamit ng kotse kapag papasok kami sa university. Sikat sya eh. Nakakahiya naman kung makikita akong kasama sya.

We decided also na i-secret ang marriage namin. 'Yong parang hindi magkakilala sa school. Ofqueria nga pala ang ginagamit kong last name, hindi Monteverde. Ang reason? Wala lang. Gusto ko lang. Baliw ako eh. ^.^

Balik tayo kay Lolo Tsekwa. Si Lolo tsekwa at ang Lola ko ang nagdecide na ipakasal kami.

May matamis at mapait kasi silang nakaraan. Noong kabataan daw ng Lola ko ay umibig sya sa isang Tsekwa, ang lolo ni Red.

Nagtagal daw ang relasyon ng mga ito. Ngunit nagkaproblema nang biglaang ipatawag ng parents mula sa China si Lolo.

Walang communication ang dalawa. Naunsiyami ang love life ni Lola. Dahil sa matinding sama ng loob, nagpakasal si Lola sa lalaking itinakda ng mga magulang nya para sa kanya.

Nagkaroon sila ng dalawang anak - ang Daddy ko at ang Mama ng pinsan kong si Lexy. Maswerte naman sa napangasawa si Lola. Mabait at magaling sa negosyo ang lolo ko.

Makalipas ang madaming taon ay nagbalik sa Pilipinas si Lolo Tsekwa. Biyudo na daw ito at nais ipagpatuloy ang naunsiyaming relasyon. Mahal pa rin daw ito ni Lola. Pero sa malas, malakas pa sa kalabaw ang Lolo ko. "Cannot be" pa rin ang drama ng dalawa kaya daw naisp nila na kami nalang ni Red ang ipakasal. Kami daw ni Red ang magpapatuloy ng walang-kamatayang pag-iibigan ng lola ko at ni lolo Tsekwa.

--

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon