CHAPTER 27 - Wedding Day
Red's POV
This day is the most precious day to my cousin Eyra and of course, Gil. Tama nga ang hinala kong hindi pa rin nakakalimutan ni Eyra yung about sa deal namin. We talked about it last night after the celebration of her Pahapunan.
"Pssttt! Gray!" Tawag ko sa magaling kong asawa.
"Why oh why, Mahal?" Masiglang tanong naman nya.
"Tara na! Ano pa bang hinihintay mo dyan? They're leaving to church na. Hindi ka na umalis sa harap ng salamin. Wala na namang magbabago dyan. Hindi ka na gaganda. Asa ka pa!"
"Hmp!" Nakaismid lang sya sakin.
Ang sarap talaga nitong asarin. Umagang-umaga, asar ang lola. Bwahahahahahahaha.
"Ikaw ang ano pang hinihintay dyan!" inis na sabi sakin ni Gray. Okay. Naiwan pala ako doon na nakangisi. Kakamot-kamot akong sumunod sa kanya palabas ng bahay at deretso sa kotse.
Walang imikang namamagitan sa amin ng asawa kong maganda - ay wait! Mali. Asawa kong sobrang ganda, sobrang sexy, sobrang smart, sobrang kinis. Ay teka! Sobra na. Basta maganda!
Nang malapit na kami sa church, napansin kong hindi mapakali si Gray. Galaw dito, kilos doon. Halos umikot na sya sa passenger's seat. Animo'y hindi maihing pusa ito ngayon. Naloloka na ba ito?
"Hoy, Gray! Umayos ka nga!" Utos ng gwapong hari.
"Ehhhhh. Ano kasi... Kailangan pa ba nating tumuloy?" Nakakunot noong tanong nya.
"Are you out of your mind?! Anong nangyari't mukha kang jittery bride-to-be diyan."
"Ahm. W-wala ito. S-sige. Tuloy ka lang."
Pagdating namin sa church. Nakapila na ang lahat. Wari'y kami na lang ang hinihintay. Abay kasi kaming dalawa sa kasal. And guess what, kami ang naka-assign sa candle, meaning, to cast away the life as we light their path. 'Yung totoo, Eyra. Anong ipuipo ang napasok diyan sa kukote mo at kami pa talaga ang magbibigay liwanag sa inyo? 'Yung marriage nga namin... Hay ewan ko ba. Wala naman na din akong magagawa.
"Ano ka ba, Gray. Lumabas ka na ng kotse! Tayo na lang ang kulang, oh!" Katok ako ng katok sa bintana sa harap nya. Ewan ko lang kung marinig ako nito. Ulol lang, Red? Ang lakas talaga makahawa ng sapi ng babaeng ito, oo.
I opened the damn door at sinigawan siya. "Wala ka pa bang balak lumabas diyan, agray, ha?!" Mukha namang natakot amg loka. Unti-unti siyang lumabas ng kotse na wari'y atubili pa rin. Ano bang problema ng tinamaan ng munggong ito?
Hinila-hila ko na siya papunta sa may pinto ng church kung saan nagsisimula na ang entourage. Whew! Mabuti at umabot pa kami.
Habang naglalakad kami, halatang hindi mapakali ang witch sa tabi ko. Natatakot ba itong masunog? Hay.
"Kapag hindi ka umayos diyan, ako kismo ang susunpg sa'yo ng buhay." Binulungan ko sya ng pananakot.
Isang alanganing ngiti lang ang isinagot nya. Iyong ngiti na naka-ngiwi. What the fox!
Nasa kalagitnaan na kami ay napansin kong pawis na pawis siya at wari'y takot na takot. Namumutla na rin ang loka. Hindi na ako nag-isip pa at binuhat ko na sya papunta sa unahan sa uupuan nya. Mukhang aangal pa si father, pero wala, nabuhat ko na ang tinamaan ng ganda kong asawa. Wala na silang magagawa. And doon ay buong tiyaga ko siyang pinaypayan. Nakuha na namin lahat ng atensyon at wala ng natira para sa bride. Joke!
Wala talaga akong masasabi sa ugali ng mga Batangueno. Bigay ng pamaypay dito, bigay ng white flower doon kay Gray na hindi malaman kung nahihilo o ano. At wala na akong sinabi kundi "sige po. Salamat po. Makinig na lang po kayo sa misa. Ako na po ang bahala rito." Hay. Anong kahihiyan na naman ang dala ng babaeng ito?!
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...