CHAPTER 4 - WHAT SHOULD GRAY AND RED DO.
Red’s POV
“Oh sige. Paikliin natin. ‘MAHAL’ na lang.” sabi ni Gray sabay kindat.
Mahal? Did she just call me ‘mahal’? What the fox!
“Mahal, halika rito. May pag-uusapan tayo.”
Pumasok na talaga sya sa kwarto ko at dumeretso sa naroong maliit na table.
Kumuha sya ng papel at ballpen. Tumingin sya sakin tapos tumayo at lumapit sa cabinet ko. Kumuha ng isang sando at lumapit sa akin.
Masyadong malapit.
“Tinatakam mo ba ako? ‘Wag mo akong hamunin, mahal.” Bulong nya sa mapang-akit na tono. Tapos ngumiti ng nakakaloko.
Pahiya ako. Sinuot ko nalang ang sando na binigay nya. Niloloko ata ako ng pangit na ‘to eh.
“Halika na rito sabi eh. Upo. May pag-uusapan tayo.”
Huh! Kung makapag-utos feeling maganda! Pero sumunod pa rin ako. Hays, kung hindi lang maganda ang legs nito. -_-
“Mahal, ‘wag na tayong kumuha ng kasambahay ha. Ayoko. Hindi natin afford. Wala pa tayong trabaho.” Si Gray.
“Kaya nga nandyan sina Mommy, Daddy, Mama at Papa.” Ako.
“At talagang may balak kang doon umasa eh, ‘no?” naiinis nyang sabi.
Hala! Patay! Galit na.
“Ganito nalang. Hatiin natin ang mga gawaing bahay. Para fair.” Simula ni Gray.
Nagsulat sya. WHAT SHOULD GRAY AND RED DO.
“Number one. Hindi ako marunong magluto, so, ikaw ang magluluto. Okay lang sakin maglaba, so, ako na ang maglalaba. Is it okay for you, mahal?”
Tumango ako. Nagsulat ulit sya.
RED – COOK. GRAY – WASH CLOTHES.
Nag-isip sya. “Ano pa ba? Ahm, ayoko magligpit ng mga plato, so, ikaw ang magwawash. Ako nalang ang magpaplantsa.”
Tumango ulit ako. Nagsulat na naman sya.
RED – WASH THE DISHES. GRAY – IRON THE CLOTHES.
“Tapos, ‘yong paglilinis ng bahay, hati tayo. Weekly. This week, ikaw muna. Next week, ako.”
“Ano?! Ako this week?! Hah! Madaya! Ayoko muna!” reklamo ko.
“Okay. Eh di ako muna. Arte!”
Nagsulat ulit.
CLEANING HOUSE:
RED – NEXT WEEK. GRAY – THIS WEEK.
“Oo nga pala, hindi tayo bibili ng dish washer! Hayaan nating pumangit ang mga kamay mo.” Si Gray.
“Okay. Wala din washing machine.” Ako.
“Okay. Wala ding plantsa.” Si Gray.
“T*nga! Pano ka mamamalantsa?!” Ako.
“Eh di may plantsa. Madali akong kausap.” Si Gray.
Tss. Baliw pa rin ang loka!
Nag-isip ulit sya. Isip. Isip. Isip. Wala na yatang mapiga ang maliit na utak nito. Ang tagal mag-isip eh.
“Okay. Wala na akong maisip.” Si Gray.
Oh! Sabi na nga ba. -_-
“Trabaho na! Magluto ka na. Gutom na ako.” Si Gray.
“Wala akong maluluto. Wala tayong groceries.”
“Eh di bumili ka muna sa labas. Pakainin mo ako. Asawa mo ako. Ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang magpapakain sa asawa mong babae!”
Hala! Naloka na!
--
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...