CHAPTER 7 - HIS WEAKNESS

220 12 0
  • Dedicated kay Jaira Bitang
                                    

CHAPTER 7 – HIS WEAKNESS

Gray’s POV

Hindi ako papayag na ako lang ang naisahan. Huh! Eto na ang bright idea ko! Kinuha ko kaninang tanghali  sa bahay nina Mama ang urn ni Lolo Tsekwa. Hihi.

Inilagay ko na rin ‘yon sa tamang lalagyan sa may sala. Haha. Wala ka ngayong kawala, Red ka! Hindi ka makakaligtas sa mga kamay ko kahit mahal kita! Wahahaha. Chos.

Narinig kong lumabas ng room nya si Red. Baka mag-si-CR. Wala din CR sa room nya eh. Isa lang ang CR sa bahay. Ayos ‘to! Makakapamboso ako! ^.^

Ayan na! Umakto akong nagdadasal ng pabulong sa harap ng urn. Kung nakita nya ako at kung anong hitsura nya, hindi ko alam. Nakatalikod ako eh. Biglang tumawa ako at umisod ng konte sabay sabing…

“Ikaw talaga, Lolo. ‘Wag mo naman akong biruin ng ganyan. Sige na po. Mamaya nalang ulit. May gagawin pa ako.” Then, tumayo na ako.

Nakita ko si Red na nakatingin sakin. Medyo maputla ang loko.

“Bakit nandito ang urn na yan?” Si Red.

“Huh? Wala lang. Hiniram ko muna kina Mama. Okay lang naman di ba?” Ang akala siguro ng loko, hindi ko alam na takot sya sa multo. Aksidente ko lang naman narinig sa kanya noong mga bata pa kami.

“Bakit mo ba hiniram? Hindi ka na nahiya kay L-lolo.”

Uy! Na-stammer! “Eh ilang araw lang naman. Teka, ‘wag mong sabihing takot ka kay Lolo Tsekwa? Ano, takot ka ‘no?

“Ha? Ako? Ang mabango, macho at nuknukan ng lakas ng sex appeal, takot kay Lolo? Nagpapatawa ka b--?”

Hindi nya natapos ang sasabihin nya. Kapag sinusuwerte ka nga naman. Nakisabay sa akin ang hangin. Bigla kasing humangin nang malakas na naging dahilan ng paggalaw ng mga kurtina. Pagkakataon ko na ‘to!

Tumingin ako sa likod nya kung saan naroon ang bintana at kurtina na hinangin. Kumunot ang noo ko sabay sabing…

“Lo---!”

Hindi ko pa natatapos ang word na ‘lolo’ eh agad na akong niyakap ni Red kasabay ng pagsigaw nya ng pangalan ko. Pigil na pigil ko ang pagtawa. Ang higpit ng yakap ng loko! Dapat pala tinatakot lagi eh. Hihi.

“Red, ano ba? Umusod ka nga ng konte. Naiipit mo ang boobs ko.” Medyo nanginginig pa sya.

Mas lalo nya hingpitan ang yakap. Aba teka, ipit na talaga. Kinurot ko ang puwit nya, sabay sabing…

“Red, ‘yong boobs ko, hindi na makahinga!”

Natauhan yata sya kaya kumalas sya ng pagkakayakap sakin.

“Ano bang naisipan mo at basta-basta ka nalang nangyayakap, ha?” painosente kong tanong.

“W-wala. Nagulat lang ako sa hangin.”

“Ow? Hindi kaya mahal mo na ako kaya mo ako niyakap?” Nginitian ko sya ng ubod ng tamis. “Yih! Mahal mo na ako no?”

Tulala na naman sya. Gulat na gulat. Haha. At para isang gulatan nalang,tumiyad ako at hinalikan ko sya sa lips. Yes! Nakaka-dalawang score na ako!

Red’s POV

Gulantang na naman ako sa bigla biglang paghalik nya. Nasasanay ang loka! Mabilis lang naman, pero masarap? Singit ng isang bahagi ng utak ko. Huh?

“Bakit mo ako kinurot sa puwit, ha?!” tanong ko sa kanya sa kawalan ng masabi.

Pagtingin ko kay Gray, ngising ngisi sya. Litaw pati mga ngipin sa ibaba!

 --

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon