CHAPTER 8 – MEET BABAENG ALIKABOK AND BOY ABO
Gray’s POV
---
University Cafeteria
I’m with my cousin, Lexy. Umo-order sya ng pagkain namin. Nakita ko si Mark, Red’s cousin and best friend. We’re friends since we were kids also. Kinaibigan lang yata ako nito kasi gusto lang mang-inis kay Lexy. Feeling ko naman eh matagal na itong may gusto doon. Mga bata palang kami lagi na nyang iniinis si Lexy, palibhasa galing Australia, maputi, English ng English. Tapos noong tinanong ko, ‘in crush’ lang daw sya, hindi in love. Pwe!
“Hi, cousy!” bati nya. Then nakiupo sya. ‘Cousy’ ang tawag sakin ng baliw na ‘to.
“Cousy ka dyan! Baka may makarinig sayo! Baka malaman nila about sa amin ni Red!” Saway ko naman sa mahinang boses.
“Ano ka ba naman, Cousy? Cousin kita because of Lexy.” Si Mark.
Okay. Pahiya ako. Akala ko dahil sa amin ni Red. -_-
“Ano namang ginagawa ng kulugong ito dito?” Mataray na tanong ni Lexy. Nakabalik na pala sya sa table namin.
Isa pa rin ‘to. In denial. Pag-untugin ko mga atay nito eh.
Well, sikat naman na ang dalawang ‘to sa campus. Isang varsity and all-time MVP at isang cheer leader and campus princess. Ayos ang love team. Laging kagulo sa gym.
“Miss na kita, Babaeng Alikabok! Hindi mo na ako nirereplyan, hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Pati yata sa facebook, b-in-lock mo na ako?” Himutok nito. Lumipat sya ng upuan at tumabi kay Lexy.
“Alam mo, Boy Abo, hindi mo ako girlfriend at wala akong responsibilidad na replyan ka at sagutin ang mga tawag mo. And FYI, hindi kita b-in-lock sa facebook. In-unfriend lang.”
Eh mga ulol pala ‘tong mga ‘to eh!
“Alam mo, ang pag-ibig ko sayo, parang pag-pi-pick up line ko, nakakamatay ba!” hirit ni Mark.
Hano daw? ‘di ko gets.
“At bakit naman nakamamatay?” Si Lexy.
Lumapit si Mark kay Lexy na animo’y may ibubulong. Pero ang walanghiya, hinalikan si Lexy sa leeg! Sabay takbo.
“I’ll kill you!” Sigaw ni Lexy na halos ikarindi ng lahat ng nasa cafeteria.
“Sabi ko sayo eh. Bye, Babe!” nakangising sabi ni Mark habang tumatakbo palayo.
Nagtinginan na lahat ng tao sa table namin. Pulang-pula at wari’y umuusok ang ilong ni Lexy.
“Relax. Hindi naman nila alam kung anong ginawa sayo ni Mark. Maupo ka na. Nakamamatay nga. Sakit din sa tenga ‘teh!” Natatawa kong sabi.
Napansin kong padating sa cafeteria ang bandmates ni Red. At hindi ako nagkakamali, kasama ang tinamaan ng kunat. Parang naka-slow motion sila habang naglalakad. Nagtitilian ang mga malalanding babae. At may nagpapicture pa kay Red! Ano’ng feeling ng mga ‘to? Feeling f4? Pwe! Eh six naman sila eh!
“Kung makatitig ka sa asawa mo, mukhang uhaw na uhaw ka ah.” Si Lexy.
“Ha? Bakit naman?”
“Eh sa sobra yatang kaselosan mo, pati yang straw, nginatngat mo!” mahinang sabi nya na natatawa.
Hala! Nakakahiya! Nakita kong nakatingin sakin si Red at wari’y nagpipigil ng tawa. Ang kapal! Saksak ko sa atay nya ‘tong straw eh! Inirapan ko lang sya. Hindi pwedeng malaman ng mga schoolmates namin na mag-asawa na kami at baka sila ang sumaksak sa atay ko.
---
Sa bahay.
Nanonood kami ng tv sa sala. Eto na naman ako. May bright idea. ‘Yong totoo hindi naman ako sa tv nakatingi eh. Sa mukha nya lang. Habang si Red, seryosong seryoso sa panunood. Lumapit ako sa kanya ay walang sabi-sabing hinalikan sya sa lips.
Hmnn, sweet!
Gulat na gulat na naman sya. Haha.
“Ano ka ba? Bakit mo ba ako hinalikan?!” Paangil na tanong nito.
Nakangiti lang ako sa kanya. At bago pa sya ulit makaharap sa tv, hinalikan ko sya ulit. Katulad kanina, smack lang.
“Ano ba?! Halik ka ng halik! Bakit ba?” galit na tanong nya. Pulang pula na ang mukha nya.
“Eh gusto ni Lolo Tsekwa dalawa daw eh. Di ba ‘Lo?” Sabi ko, tapos nakipag-high five ako sa hangin. Kunwari nandoon si Lolo.
I secretly look at Red’s face. Pigil na pigil ko na naman ang tawa.
“’Lo, dyan ka muna ha. Mag-aaral lang ako sa mini-library. Manood ka lang ng tv para malibang ka naman.” Sabi ko kunwari sa vacant seat na katapat ni Red.
Nagpunta na ako sa mini-library namin dala ang book and notes ko. I started reading my notes nang biglang pumasok si Red. May dala rin syang notes. As expected.
“Ah, Red, may quiz ka rin?”
“Wala.” Seryoso si Red habang nakatingin sa notes nya.
“Eh, bakit ka nandito?”
“Gusto ko lang mag-aral.” Seryoso pa ring sabi nito.
“Pwe!”
“What?”
“Ah wala. May pumasok lang na ipis sa bibig ko.” Tapos ngumisi ako. “Pero wala na. Iniluwa ko na.” Ngisi ulit.
No response. Alam ko naman takot lang sya. Natakot mag-isa sa sala knowing na nandon si Lolo Tsekwa. Hihi.
“Ahm, Red. Magpapaalam nga pala ako sa’yo. Alam mo ba ‘yong TYA? Yung Therese’s Youth in Action? Ano kasi, member ako doon. Eh may camping ba. Sasama ako, ha? Ilang araw din yun.” syempre, kahit naman aso’t pusa kami asawa ko pa rin sya. At wala akong pakialam kung legal man o hindi. Chos!
“Ikaw ang bahala.”
Tss, tipid!
“Ahm, bukas na nga pala ‘yun! Sige ha. Mag-iimpake lang ako.” Tapos, ‘yun! Iniwan ko na sya.
--
![](https://img.wattpad.com/cover/10392589-288-k282027.jpg)
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...