CHAPTER 12

204 11 5
  • Dedicated kay Aicir Tap
                                    

Red's POV

Ang tagal ni Gray sa loob ah. Pumasok ako sa pinto at nagulat kay lola.

"Anong ginagawa mo dito, hijo?"

"Ah. Si Gray po?" sa halip ay tanong ko. Nakakatakot talaga! Pero wala to sa machong katulad ko.

Ngumiti lang sya sakin. Teka, ano yung nasa ngipin nya, nganga? Eww!

Lumabas nalang ulit ako. Naisip kong magtext. Sunga lang? Bakit ngayon ko lang 'to naisip?

"Kasama mo kasi si Gray." Si Lola.

"Po?" nababasa nya ba ang nasa isip ko?

Ngumiti lang ulit sya. 'Yung totoo, sasali ba 'to sa beauty contest at ngiti ng ngiti?

"Wag na wag mong pababayaan ang asawa mo kahit anong mangyari, hijo." Si Lola.

Huh? Paano nya nalaman na mag-asawa kami ni Gray? Sinabi ba nya?

Naguluhan ako doon, but hindi ko nalang pinansin. I tried to make a call for any of my classmates pero wala yata ditong linya ng komunikasyon.

May narinig akong mga yabag ng kabayo. Tapos lumabas ng pinto si Gray. Nakita kong dalawang lalaking nakasakay sa dalawang kabayo ang palapit. Animo'y eksena sa pelikula ni Lito Lapid. Narito na ang mga bandido!

Nang makalapit sila sa amin ay pinahinto nila ang kabayo at bumaba. Isang lalaking mga nasa mid-twenties na at isang lalaking ka-edad ko. Napansin ko ang iba't ibang uri ng halaman na dala nila.

"Sila po ba ang mga anak nyo, Lola Kathrine?" Si Gray.

"Oo. 'Eto yung bunso ko, si DJ." Si Lola Kathrine.

"DJ? Daniel John Padilla?" Si Gray habang nangniningning ang mga mata.

"Hindi. Ako si Daniel Junior."

Wow! Hindi ko akalaing nagkatuluyan pala sina Daniel at Kathryn. At may Junior pa sila!

Lumingon ako sa isang lalaki. "'Wag mong sabihin na ikaw si Khalil?" ako.

"Sya si Enrique." Si Lola.

Huh? Mas nauna kayang maging asawa ni Kathryn si Enrique?

"Lola, pamilya pala kayo ng mga artista!" Si Gray na kay Daniel Junior nakatingin.

Hindi naman kasi pangit ang Daniel na ito. May ibubuga din naman. Kamukha lang sya ni Channing Tatum. Yeah. Channing Tatum lang 'to. Meaning, mas gwapo ako. Haha.

Matangkad ito. 6'5 yata ang taas. Mukhang higante. Nakasumbrero ito. Checkered polo na nakapaloob sa hapit na hapit na pantaloon ang suot nito. What the fox?! Parang pinasakan ng saging ang harapan ng jeans nito.Saging na saba? This is ridiculous! Pero hinding hindi ako maiinggit. May karapatan pa rin naman akong mag-briefs!

Nakita kong titig na titig si Gray sa mukha nito.

'Wag na 'wag kang yuyuko, Gray! Utang na loob! Piping dasal ko. Baka kasi 'pag yumuko sya, at makita ang pantalon na pinasakan ng saging na saba ay magpaiwan ito dito.

A/N

super bilis ng update. wala pang 10 minutes, I guess. :) comments, votes and follow. :)

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon