CHAPTER 6 - LOVE WILL KEEP US TOGETHER

230 13 0
                                    

CHAPTER 6 - LOVE WILL KEEP US TOGETHER

Gray's POV

Hays, Sunday na naman pala! Family day! Pero hindi ko kasama sina Mom and Dad. Nalulungkot na bumangon ako sa kama ko. Ang sarap naman matulog sa bago kong kama. Lalo na siguro kung katabi ko ang nuknukan ng macho at nag-uumapaw sa kakisigan kong asawa.

Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta sa kwarto ni Red. Ha! Wala ang tinamaan ng kunat! Tiningnan ko sa kitchen. Wala pa rin. Pero may pagkain. I decided to take a bath muna. Minadali ko na ang panliligo, gutom na ako eh. Nagbihis ako ng as usual - very short shorts at fit na sando. Then kumain na ako. Pagkatapos, nagsimula na akong maglinis ng bahay.

♫♪ "Love, love will keep us together. Think of me babe whenever. Some sweet talking girl comes along singing her song. Don't mess around, You gotta be strong Just Stop [stop], 'cause I really love You. Stop [stop], I'll be thinking of you. Look in my heart and let love keep us together" ♫♪

Whooo! Birit ko habang sumasayaw.

♫♪ "You, You belong to me now. Ain't gonna set you free now. When those girls start hanging around talking me down. Hear with your heart and you won't hear a sound. Just Stop [stop], 'cause I really love you Stop [stop], I'll be thinking of you Look in my heart and let love keep us together, what ever." ♫♪

Walang tigil pa rin ang ginagawa kong pagbirit at pagkembot ng baywang. Wala namang ibang tao kaya okay lang. Hala sige, hataw pa! After several minutes of nonstop hataw, I felt so hot and sweaty. Itinaas ko ng bahagya ang sando ko and tied it up sa likod. Hala! Hataw ulit!

♫♪ "Young and beautiful. Someday your looks will be gone. When the others turn you off, Who'll be turning you on I will, I will, I will, I will Be there to share forever. Love will keep us together. Said it before and I'll say it again while others pretend I'll need you now and I'll need you then. Stop 'cause I really love Ya Stop I'll be thinking of Ya Look in my heart and let love keep us together. Whatever." ♫♪

♫♪ "I will. I will. I will. I will... lalalala... lalalala" ♫♪

---

Red's POV

Binuksan ko ang pinto para lang mapatunganga sa nakita ko. Sana pala nagtagal muna ako sa labas. Sana nag-soft drink muna ako kahit umaga pa lang at okay lang na sumakit ang tyan ko. Sana naghintay akong magtanghali at nagbilad ng katawan sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Sana hinintay ko muna rin ang paglubog ng araw bago ako umuwi sa bahay. Sana nag-abang muna ako ng shooting star! Sana! Sana! At marami pang SANA! Kaysa naman sa nakikita kong karumaldumal na babaeng ito. At ang talipandas, hindi lang pala ang legs ang may ibubuga! She's surprisingly shapely! Ang kinis ng likod, Ang bawat curves nasa right places, ang bawat paggalaw ng balakang nya, ang bawat pagkembot, pataas at pababa, pababa at pataas naman, habang pinupunsan ang paa ng table. Argh! Parang nang-aakit. At ako namang god from Olympus, lalaki at macho, naaakit!

♫♪ "You better stop! 'Cause I really love Ya. Stop I'll be thinking of Ya. Look in my heart and let love keep us together. Whatever." ♫♪

♫♪ "I will. I will. I will. I will... lalalala... lalalala... lalalala" ♫♪

Natapos na yata sya sa pagkanta. Hindi nya namalayan na nakapasok na ako sa bahay. Like a warrior who lost a major battle, I walked slowly. I'm so hard I can barely walk.

"Mahal!" Nanlalaki ang mga mata nya sa gulat. Hindi nya siguro akalaing maabutan ko ang breathtaking performance nya. Breathtaking talaga! Hala! Ang witch, namumula.

---

Gray's POV

Hala! Si Red! Nakita nya kaya ang 'performance' ko? Bakit ganyan tingin nya.

"I'm pretty sure na nakita mo akong magsayaw and kumanta. What can you say?" Nakangiti kong tanong bilang pantakip sa pagkapahiya.

No response. -_-

No response pala, ha? Lumapit ako, tip-toed at walang sabi-sabing hinalikan sya sa lips. Mabilis lang. Hindi ako marunong eh.

No response na naman. Tuod ba 'to? Sisipain ko na 'to sa atay eh!

Nginitian ko nalang sya ng matamis at pinusod ang buhok ko kasi pawis na pawis na talaga ako. Hindi ko pa man naiibaba ang mga kamay ko, nang magsalita sya.

"Ang kili-kili dapat laging makinis. 'Ayan o, may sumisibol na. Mag-shave ka." Si Red, sabay talikod at deredertsong naglakad patungo sa silid nya.

Naiwan akong nakanganga.

--

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon