CHAPTER 28 Beach (Part 1)

122 7 2
                                    

CHAPTER 28 Beach (Part 1)

Gray's POV

Mabilis na natapos ang isang linggo naming pag-stay sa Batangas. And now, to enjoy the rest of the sem break, nagkayayaan kaming magbeach nina Mark, Lexy, and Red. But may isasama daw si Red na someone special na hindi ko pa nakikilala. Well, that's fine with me, at least, feeling maybahay ako ni Red at responsibilidad niyang ipakilala ako sa mga kaibigan niya. Hihihi.

We decided to go to Nasugbu. Since maganda daw doon kahit medyo malayo. We researched din naman about the place and we found it interesting.

And now, we are heading to Nasugbu. Woohoo!

After unknown hours of sleep in our car, nakarating din kami ng maluwalhati. Red parked the car and lumabas na kami. Medyo hinintay lang namin sina Lexy and Mark and another car na naglalaman doon sa sinasabi ni Red.

After five minutes, natatanaw na namin na paparating na ang kotse ni Mark. And then another car from their back. I don't know but I feel something na hindi maganda. Basta, medyo kinakabahan ako. Medyo lang naman. Pero kasama ko naman ang aking 'knight in walking shorts and sando'! I'm sure everything will be okay.

Patakbong lumapit sa akin si Lexy at nagbeso. Then bumati naman si Mark and nag-smile sa amin. Hinihintay na lang namin iyong nasa sunod na kotse. And it seems like, ang tagal nilang lumabas ha. Pasuspense ang drama?

Until a beautiful girl comes out of the car. No, hindi siya girl na matatawag, a beautiful woman in a baby pink summer dress. Kinabog ang very short shorts ko, ha. I look at her from head to toe with admiration. She has a long, and shiny black hair na nakalugay, a very fair skin, and a desirable body. Then she smiled at me.

At dahil medyo natulala ako sa kagandahan niya, hindi ko napansin na nakalabas na rin ang lalaki sa driver's seat. He looked so mysterious but handsome. He's wearing all black. Nagluluksa ba ang isang ito? But he seems that he's not nagluluksa naman. Parang... Parang gangster. Yeah, right! The way he slammed the door of the car, the way he walked, and the way he combed his hair with his fingers is totally a gangster. And that gangster out there is devastatingly handsome!

Then hindi ko namamalayan na nakalapit na pala sila sa amin. Kung hindi pa nag-eherm si Red ay baka natuka na ako ng gangster na gwapo.

Then nagbatian sila. From that nalaman kong magkakakilala iyong apat. Si Red, si Mark at iyong babae at iyong gangster.

"By the way, this is Gray." Si Red.

Tss. Hindi man lang ako ipinakilalang asawa niya. But I smiled with my sweetest smile and said a simple "hello."

"And that girl beside Mark is Lexy." Pakilala ni Red kay Lexy.

Ganoon din lang ang ginawa ni Lexy. Then sila naman ang in-introduce samin ni Red.

"This gorgeous man in black is Jaze." Pakilala ni Red. Nagsmile lang ng matipid si Jaze. Ang gwapo talaga ng tinamaan ng hot body! Kung nakilala ko lang ito agad... Nako! Erase! Si Red pa rin ang mahal ko. Kastigo ko sa aking sarili.

Eh si Red, mahal ka ba? Baka naman pwedeng lumandi ka diyan sa isang hottie fafa. Kontra naman ng isang mahagi ng utak ko.

Siguro nga, pwede. Hihihi. Pero wait! Hindi ako malandi! Naputol ang komunikasyon ng mga inner thoughts ko nang magsalita ulit si Red.

"And this lovely lady in front of me is Kay." Nakangiting wika ni Red.

Matagal na nagloading sa isip ko kung saan ko narinig ang pangalang Kay. Sa sobrang tagal magloading, hindi ko namalayan na naglalakad na palayo ang aming mga kasama at naiwan akong parang sunga na nag-iisip.

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon